“Stella.”
“Stella!”
“Huy! Ano ba, Stella?”
“Huh?”
Napalingon ako kay LesIie nang maramdaman ko ang bahagyang pagyugyog niya sa balikat ko.
“Saang planeta ka na ba nakarating?” sarkastikong tanong ni Leslie.
Sinamaan ko siya ng tingin.
“Planeta ka diyan.”
Sinagot naman niya ng irap ang pagkakatingin ko sa kanya.
“Eh, kasi naman, kanina pa ako salita nang salita dito. Hindi ka naman pala nakikinig sa akin at naglalakbay ka pala sa ibang planeta.”
“Tsk!” tanging sagot ko kay Leslie.
Nandito kami ngayon sz cafeteria. Ginamit namin ang thirty minutes coffee break namin.
“Tingnan mo ‘yang kape mo,” dagdag pa niya, na sinunod ko naman dahil tumingin nga ako sa binili kong kape na nakalagay sa paper cup, “kanina hot coffee -yan, ngayon iced coffee na.”
Dinampot ko ang paper cup at saka uminom mula roon. Medyo malamig na nga, kaya sinunod-sunod ko na ang inom.
“Hindi ka pa rin ba maka-move on sa nangyaring engkuwentro n’yo kanina ng ultimate crush mo?”
Ibinaba ko sa mesa ang wala nang laman na paper cup. Hindi ko nagalaw ang baon kong sandwich. Tanging itong kape lang ang mineryenda ko ngayon. Matamlay na tiningnan ko si Leslie.
“Hindi kasi ako makapaniwala na ganun siya. Masungit… seryoso… intimidating ang dating!”
“Girl… natural lang lang siguro ‘yun, sInce siya ang may-ari nitong kumpanya. Natural lang na maghigpit siya. Eto naman…”
Bumuntonghininga ako habang pinag-aaralan ko ang sinabi ni Leslie. Nagbawi ako ng tingin sa kanya, at saka tinitigan ang paper cup sa harapan ko.
“Hindi, eh… basta!”
“Hay naku, girl! Nagpapa-apekto ka sa bagay na hindi ka naman dapat maapektuhan,” inis na sabi ni Leslie.
Salubong ang kilay na nilingon ko si Leslie, “ano’ng ibig mong sabihin?” naguguluhang tanong ko sa kanya.
Umikot ang mga mata ni Leslie.
“Girl, kanina ka pa ganyan. Affected na affected ka mula kaninang pumasok ka. Buti nga hindi ka napapansin ni Mam. Pero si Sir B–” napahinto si Leslie sa sasabihin, kasabay ng pandidilat ko sa kanya ng mga mata, “I mean iyong guy ba sa tingin mo affected din? Eh, baka nga hindi ka na naalala nun after nung encounter ninyo kaninang umaga.”
Sasagot sana ako sa sinabi ni Leslie, pero bigla kong naisip na may point siya sa sinabi niya.
May pagsuko na huminga ako nang malalim, at saka magbawi ng tingin kay Leslie.
“You know what? I suggest, tigilan mo na ‘yang paghanga mo na ‘yan kay Si– dun nga. Sa lalaking ‘yun. Sabi mo crush lang, pero masyado ka namang affected. Aba, daig mo pa ang may LQ sa kanya!”
“Okay, fine… pero pwede ba… rendahan mo ‘yang bibig mo at baka mamaya matuluyan ka nang madulas sa pangalan niya,” sita ko kay Leslie, tapos ay pasimple kong tiningnan ang mga mesa sa tabi namin. Mukhang wala namang nakikinig sa usapan naming dalawa ni Leslie.
“Buti pa bumalik na tayo, at baka hinahanap na tayo ni Mam Alona.
Pero bago pa kami makatayo ay may biglang nakatayo sa harapan namin.
“Hi, Stella!”
Napa-angat ako ng tingin. Sabihin nang nagha-halusinasyon ako, pero sa tagong sulok ng isip ko, inisip.kong si Brandon sana ang nakatayo ngayon sa tabi ko, para mag-sorry sa akin..
“Oh? Hi,” bati ko sa kanya.
“Tapos na yata kayo?” tila nahihiyang tanong ni Kai, sabay tingin sa mga basyong paper cup sa harapan namin ni Leslie.
“Ah…” napalingon ako kay Leslie, hindi ko kasi alam kung ano ang isasagot ko kay Kai.
Nagtama ang tingin namin ni Leslie. Sandaling nag-usap ang mga namin. Palibhasa, sanay na sanay kami na nagkakaintindihan kaming dalawa sa pamamagitan ng tinginan lang.
“Ah… sige! Okay lang! Join ka muna sa amin,” maagap na sagot ni Leslie kay Kai, “may five minutes pa naman kaming natitira sa break namin,” ngiting-ngiti na dagdag pa niya.
Tingnan mo itong bruha na to. Kanina lang, nag-aalala siya na baka hinahanap na kami ng immediate supervisor namin.
Walang patumpik-tumpik na naupo na agad si Kai sa upuan nz nasa tapat ko, habang may hawak na paper cup ng kape.
“OJT ka rin dito?” hindi makatiis na tanong agad ni Leslie kay Kai.
Inunahan ko nang sumagot si Kai.
“Obvious naman siguro, di ba? Naka-St. Andrew’s uniform nga siya, oh…”
Inirapan ako ni Leslie, “ang sungit naman ?” tapos ay binalingan niya si Kai, “Leslie nga pala,” tapos ay inilahad niya ang kamay niya kay Kai.
Bahagyang tumaas ang kilay ko kay Leslie. Siya pa talaga ang nagpakilala kay Kai, ha? Nakangiting nilingon ako ni Leslie, tapos ay nagbaling uli ng tingin kay Kai.
“So, matagal na ba kayong magkakilala nitong kaibigan ko?” tanong niya sa lalaki.
Tipid na ngumiti si Kai.
“Actually, kaninang umaga lang.”
Namilog ang mga mata ni Leslie.
“Really?”
“Yup!” nakangiti pa ring sagot ni Kai, “sa elevator,” dagdag niya.
“Oh…” tila nasorpresang reaksyon naman ni Leslie, sabay tingin sa akin.
Kumunot ang noo ko. Ano naman ang ibig sabihin ng tingin niya na ‘yun?
“So… ilang oras ang kailangan mong bunuin dito sa Verizon?” tanong ni Leslie kay Kai.
“Three hundred.”
“Ay, sad… maiiwan kami dito ni Stella. Four hundred hours kami, eh.”
Tumango si Kai, “Oo nga… pero pwede ko naman kayong dalaw-dalawin dito kapag free time ko.”
“Wow, ha…” nakangiting sagot ni Leslie, “ilibre mo kami kapag dinalaw mo kami rito, ha?”
“Sure!”
“Oy, tara na. Time na,” putol ko sa usapan nila.
Sabay-sabay kaming tumayo, at saka naglakad palabas ng cafeteria. Nasa third floor ang cafetria, kaya bababa kami ng isang palapag ni Leslie at aakyat naman ng isang palapag si Kai dahil nasa fourth floor ang Accounting Department.
Huminto kami pagdating namin sa may hagdan.
“Oy Kai, nice meeting you. Kahit hindi ka ipinakilala sa akin nitong si Stella.”
Nakangiting tumango lang si Kai.
“Sige. Till next time ma lang!”
Hinatak ko na si Leslie pababa sa hagdan. Baka may makakita pa sa aming tatlo dito at maisumbong pa kami sa HR.
Ingat na ingat akong magka–bad record dito sa Verizon. Ayokong magkaroon pa ako ng problema sa pag-aaral ko. Gusto ko nang maka-graduate para matulungan ko na sila Nanay at Tatay.
“Dun ka na lang, Stella.”
“Ha?” nagtatakang sagot ko kay Leslie.
“Ibig kong sabihin, dun kay Kai mo na lang ibuhos iyang pagsintang pururot mo kay SBH. Mas realistic pa!”
Agad na nagsalubog ang mga kilay ko. Huminto ako sa pag-akyat ng baitang.
“Ano bang pinagsasasabi mo? Saka, sinong SBH?”
Huminto rin si Leslie sa pag-akyat sa hagdan. Pero dahil nauuna siya sa akin kaya ma mataas siya ng dalawang baitang sa akin. Ang nangyari tuloy, nakayuko siya sa akin ngayon at nakatingala ako sa kanya.
“Alam mo, ang hina mo rin paminsan-minsa. SBH…” luminga-linga muna si Leslie sa likuran niya, at nang hindi makuntento ay bumaba sa kinatatayuan ko, mahina siyang nagsalita, “SBH, Sir Brandon Hizon. Para hindi obvious na siya ang pinag-uusapan natin, ano ba?”
Napamaang ako.
“Ah, okay…” sabi ko na lang pero agad din akong nag-react nang maisip ko iyong isa pang sinabi ni Leslie, “teka, bakit nadamay si Kai dito?”
“Sus! Ang hirap naman umintindi nito. Para nga makalimutan mo na ‘yung si SBH, iyang si Kai na lang ang sagutin mo.”
“Sagutin? Ang advance mo namang mag-isip? Hindi ko naman kaya manliligaw ‘yung tao.”
“Hindi pa. Pero tingnan mo, liligawan ka nun.”
Nagsalubong uli ang mga kilay ko.
“Liligawan? Saan nanggaling ’yun? Ano ka? Manghuhula?” Bahagya kong itinulak si Leslie, “umakyat ka na diyan, at mapapagalitan na tayo,” sabi ko sa kanya.
NAGLALAKAD na kami ni Leslie papunta sa sakayan ng bus nang may sasakyan na bumusina sa likuran namin. Nung una ay hindi namin iyon pinapansin ni Leslie. Pero nung dumalas ang pagbusina ay napilitan kaming lingunin iyon.
“Sino ba kasi iyong busina nang busina sa likod natin?” inis na tanong ni Leslie.
May kotseng kulay asul na bahagyag tumabi sa amin ni Leslie. Medyo tinted ang salamin nito, kaya hindi ko maaninag kung sino ang nasa loob. Nagulat na lang ako nang bumaba ang bintanang salamin nito at makita ko si Kai na siyang nagda-drive nun.
“Ay, ang cute naman pala ng nagda-drive!” komento ni Leslie.
Pasimple kong hinatak ang gilid ng blouse niya para patahimikin siya. Ako ang nahihiya sa mga lumalabas mula sa bibig niya.
“Tara, sabay na kayo,” yaya sa amin ni Kai.
“Saan ba ang way mo?” tanong ko.
“Hay naku, huwag na nating tanungin,” nagulat ako nang hatakin na ako ni Leslie palapit sa kotse ni Kai, “wala nang choice si Kai kung hindi ang isabay tayo,” katwiran pa niya, at saka binuksan ang unahang pintuan at bahagya akong itulak pasakay.
“Huy! Bakit dito ako?” tanong ko kay Leslie na may kasamang pandidilat ng mata.
“Alangan namang ako? Eh, ikaw naman ang unang nakakilala diyan,” sagot ni Leslie sa akin.
Napilitan na akong sumakay. Nakakahiya kasi kay Kai.
“So…Kai, pwedeng magtanong?”
Naakaabante na ang kotse ni Kai, at nakahalo na kami sa ibang sasakyan sa main road. Nilingon ko si Leslie sa likuran. Ano na naman kaya ang nasa isip nitong bruha na ‘to? Naka-upo si Leslie sa giid ng upuan doon sa likuran. Bahagya siyang nakadukwang sa amin ni Kai sa harapan. Nakangiti siya habang nakatingin kay Kai.
“Go,” tipid na sagot ni Kai.
“Okay. Unang tanong,” hindi agad sinundan ni Leslie ang sinabi niya na para bang hinihintay niya muna ang reaksyon ni Kai, “okay. Eto na. Kai lang ba talaga ang pangalan mo?”
Ngumiti si Kai nang hindi inaalis ang tingin sa daan..
“Actually, my real name is Kaimo. Kaimo Salazar.”
“Wow… tunog mayaman! Rich kid ka ano?” sabi naman ni Leslie.
Bahagyang tumawa si Kai.
“Meron bang ganun sa mga pangalan? Tunog–mayaman?”
“Meron. Parang ikaw,” sagot uli ni Leslie.
“Joker ka pala, Leslie,” sagot naman sa kanya ni Kai.
“Hoy Kai, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko! Rich kid ka ba?”
“Umm? Okay lang.”
“Ano’ng okay lang? Ano kaya ‘yun? Yes or no lang ang sagot,” pagrereklamo ni Leslie.
“Hindi naman kasi kami mayaman na mayaman. Pero hindi rin naman kami poor. Kaya… okay lang,” nakangiting paliwanag ni Kai.
“Wow…” tanging nasabi ni Leslie.
“Pero saan ka nakatira?” hirit pa rin ni Leslie, kaya napailing ako.
“Sa San Clemente Village.”
“Oh! Eh, di rich kid ka nga!” bulalas ni Leslie.
“Sabi ko nga di ba, okay lang ang sagot.”
Tila may pagsuko na sumandal si Leslie sa upuan, “hmp! Bahala ka na nga! Basta ang pakiramdam ko, rich kid ka.”
Tumawa lang si Kai.
Nang bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan.
“Naku! Hulog ka ng langit, Kai. Mabuti na lang dinampot mo kami ni Stella dun. Kung hindi, baka inabutan kami ng ulan ni Stella dun at hindi pa kami nakakasakay.”
“Pwede ko naman kayong isabay pauwi araw-araw. Kung araw-araw ang pasok n’yo.”
Muling umabante si Leslie papunta sa harapan. Malapad ang ngiti niya.
“Talaga? Walang halong biro ‘yan?”
“Oo nga…”
“Oh, Stella. Isasabay daw tayo araw-araw,” baling sa akin ni Leslie na may kasama pang pagkalabit.
Nilingon ko si Leslie.
“Ikaw talaga, abusada ka,” pinandilatan ko siya ng mata, “nakakahiya kay Kai, ngayon pa lang natin siya nakilala, feeling close ka na.”
Muling sumandal si Leslie sa upuan.
“Wala sa tagal ‘yun,” sabi niya sa akin, sabay ngiti nang makahulugan.
Napailing na lang ako, parang nahihiwatigan ko na ang gustong mangyari ni Leslie.
“Okay lang naman,” sabi ni Kai, kaya napalingon ako sa kanya.
“”Huwag mong pnagbibigyan lagi itong kaibigan ko, Kai. Abusada nga ‘yan.”
“Hindi. Okay lang talaga. By the way, saan ko kayo ihahatid?”
Naramdaman ko na nasa likod uli namin si Leslie.
“Talaga? Door to door ba?”
“Oo nga,” nakangiting sabi ni Kai, sabay tingin kay Leslie sa salamin, tapos ay mabilis akong nilingon.
“Dahil diyan, sagot ko na ang lunch mo sa cafeteria araw-araw!” masayang sabi ni Leslie.
“Ha? Eh, free meal tayo sa canteen, di ba?”
Tawa na lang ang isinagot ni Leslie.
“Sa Echavez ako, ha. Etong si Stella sa kasunod na barangay, sa Evangelista.”
“Ah, malapit lang pala kayo, eh.”
“Ay, bakit parang nanghihinayang ka na malapit lang kami?”
“Wala lang, ayaw ko pa sana umuwi,” nakangiti pa rin na sagot ni Kai.
“Ay… sana sinabi mo agad. Eh, di sana nilibre mo muna kami ni Stella ng merienda bago tayo umuwi.”
“Huy” saway ko kay Leslie.
Nahihiya na talaga ako kay Kai.
“Sige, bukas,” sagot naman ni Kai kaya napalingon ako sa kanya.
“Nagbibiro lang ‘yang si Leslie. Huwag mong siniseryoso ‘yan, Kai.”
“Eto naman, over-protecctive agad kay Kai,” sita naman ni Leslie sa akin.
“Abusada ka kasi,” sagot ko sa kanya.
Sasagot sana sa akin si Leslle pero naunahan siyang magsalita ni Kai.
“Hindi, okay lang.”
“Oh, see?” nagbubunying sabi ni Leslie sa akin.
Inirapan ko nga siya.
“Ay, malapit na pala akong bumaba,” biglang sabi ni Leslie
“Saan ka ba?” tanong ni Kai.
“Sa pangatlong kanto.”
“Liliko tayo dun?”
“Ay, hindi na. Sa bungad lang naman ang bahay namin. May payong naman ako.”
Mabuti na lang at medyo tumila na ang ulan.
“Dito na tayo?” mayamaya ay tanong ni Kai
“Yes,” sagot naman ni Leslie.
Iginilid ni Kai ang sasakyan niya.
“So, paano? Maiwan ko na kayo? Mag-usap kayo, ha? Puro ako lang kasi ang nagsalita sa biyahe natin ngayon,” sabi ni Leslie bago siya bumaba ng kotse ni Kai.
Hindi na lang ako nagkomento at hiinayaan ko na lang siyang makababa. Bukas ko na lang siya sisitahin.
Mayamaya lang ay nasa kalsada na uli kami.
“Matagal na kyong nakatira diyan sa bahay n’yo?”
Nilingon ko si Kai.
“Medyo. Diyan na ako nagka-isip.”
“Matagal na rin pala. So, saan ka nag-High School?”
“Dito lang din. Sa National High Schol. Kami ni Leslie. Ikaw?”
“Ah, dun ako sa San Dionisio. Sa international school doon.”
Hindi ako nakasagot agad. Napalingon ako kay Kai. Tiningnan ko siya habang tuloy lang siya sa pagmamaneho. Hindi ko napigilang hindi siya pagmasdan dahil napa-isip ako. Kung doon nag-aral ng high school itong si Kai, ibig sabihin ay may kaya talaga ang pamilya niya.
“Sabihin mo na lang sa akin kung saan ka dito, ha.”
Bigla siyang lumingon sa akin pagkasabi niya nun, kaya nataranta ako.
“Ha? Oo.”
~CJ1016