Mabuti na lang at tumila na ang ulan nang makarating na kami sa bahay namin. Itinabi ni Kai ang kotse niya sa gilid ng bakod namin
“Uy, thank you, Kai, ha…”
“Wala ‘yun. Bukas sabay uli kayo sa akin.”
“Ha? Naku, nahihiya ako sa iyo. Napadaldal ni Leslie.”
Lumapad ang ngiti ni Kai, “nakakatuwa nga siya, eh.”
“Ha? Natuwa ka pa dun?”
“Okay lang naman. Hindi nakakaantok sa sobrang daldal niya.”
Tumango-tango ko, ”sabagay… Oh, sige na. Bababa na ako. Masyado ka nang naabala. Gagabihin ka na sa daan.”
“Okay lang naman. Wala rin akong gagawin sa bahay,”
“Ah, okay…sige, kita na lang uli sa Verizon,” sabi ko, sabay hawak sa lock ng pintuan para makababa na ako.
“Ah, Stella?”
Napahiinto ako sa pagbaba, at saka nilingon si Kai
“Bakit?”
“Pwede ko bang makuha ang number mo? Alam mo na, para mas mabilis ko kayong masabihan kapag pauwi na ko. Para maisasabay ko kayo ni Leslie.”
Nagdalawang-isip ako kung ibibigay ko ba ang number ko kay Kai. Eh, ngayong araw ko pa lang naman siya nakilala. Pero mukhang mabait naman si Kai, at sa isang prestihiyosong eskwelahan nman siya nag- aaral.
“Ah, sige.”
“Pahiram na lang ng phone mo para mai-save ko rin ang number ko.”
Dinukot ko sa bag ko ang telepono ko, tinipa ko ang pin number para mabuksan ang lock nun at saka iniabot kay Kai.
Nagtipa naman si Kai sa keypad ng telepono ko, tapos ay nag-ring ito. Agad din niyang pinatay ang tawag at saka ibinalik sa akin ang telepono ko.
“Here,” sabi ni Kai, “save mo na lang ‘yung number ko.”
Kinuha ko na ang telepono ko mula sa kanya.
“Sure,” ngumiti ako, “sige, bababa na ako.”
Hindi na ako pinigilan pa ni Kai na makababa. Nang tuluyan na akong makababa ng kotse niya, tumayo muna ako sa labas nun para ihatid siya ng tanaw palayo. Bumusina pa si Kai bago tuluyang humalo sa ibang sasakyan ang kotse niya.
Nang nawala na iyon sa paningin ko, naglakad na ako para pumasok sa gate namin. Pero nagtaka ako nang salubungin ako ng kakaibang tanawin doon.
“Ano ‘to?” tanong ko sa sarili ko.
Nagkalat dito sa bakuran ang mga gamit namin mula sa loob ng bahay. Iyong iba ay nakalagay pa sa bakanteng likod ng mini truck ni Tatay. Sakto naman na lumabas si Nikko mula sa loob ng bahay.
“Nikko, ano ‘to?”
“Ate,” pagtawag sa akin ni Nikko na para bang nakakita siya ng tagapagligtas, pagkatapos ay huminga siya nang malalim “may mga butas na siguro ang mga yero natin sa bubong kaya nag-leak na. Basang-basa sa loob ng bahay.”
Habang sinasabi ni Nikko iyon ay inaayos niya ang mga gamit na dala niya sa likod ng mini truck ni Tatay. Bigla ko namang naisip ang kuwarto ko. Ang laptop ko, baka nabasa!
“Nikko, iyong kuwarto ko? May tumulo rin ba dun?” kinakabahang tanong ko.
“Wala. Suwerte lang at sa sala at sa kusina lang ay tulo. Hindi nadamay ang mga kuwarto. Pero sabi ni Tatay, kung nagkataong nagtagal pa iyong ganoong kalakas na ulan, baka gumapang na iyong tubig papunta sa direksyon ng mga kuwarto natin.”
Napabuga naman ako ng hangin. Mabuti naman. Mahalaga sa akin iyong laptop ko. Isang taon pa ang kailangang iserbisyo sa akin nun para makatapos ako ng pag-aaral. Sa totoo lang ay nagloloko na nga iyon dahil sa medyo luma na. Pinagtitiyagaan ko na lang talaga hanggang sa maka-graduate ako.
Matagal na kami sa bahay na ito. Nasa Grade five ako nung bilhin nila Nanay at Tatay ang lupang kinatiitirikan ng bahay namin. Mahigit isang taon din bago natapos ang ipinatayong bahay dito. Mahigit isang dekada na rin pala iyon, at mula nang matapos ang bahay namin, wala akong napansin na ipinagawa rito. Kaya siguro rin bumigay na ang mga yero sa bubong.
“Pasok muna ako sa loob, magbibihis lang ako para makatulong ako sa paglilimas ng tubig,” sabi ko kay Nikko.
“Hindi na. Mababasa pa ang paa mo, eh maghapon kang naka-sapatos,”
“Tsk! Nakakahiya namang hindi ako tutulong,” humakbang na ako palayo kay Nikko, “saglit lang.”
Naabutan ko si Tatay na kasalukuyang inuusod ang mahabang sofa, habang si Aira naman ay nilalampaso ang basang sahig.
Iginala ko ang tingin ko sa sala ng bahay. Wala sa ayos ang mga gamit, gulo-gulo ang mga ito at nasa gitna halos lahat. Marahil para maiwasan iyong mga tulo na galing sa kisame.
Ibinaling ko ang tingin sa kisame. Iyong ibang parte ay may tumutulo pa, habang iyong parte naman ay wala na. Pero iyong iniwang perwisyo nun dito sa ibaba ay kitang-kita.
Agad kong ibinaba ang bag ko sa malapit na upuan. Naghanap ako ng tsinelas na pwede kong ipampalit sa sapatos ko. Nakakita naman agad ako, at agad na nagpalit. Tapos ay itinaas ko ang sapatos ko sa may baitang ng hagdan para hindi mabasa.
“‘Tay, dalawa tayo diyan,” sabi ko, at saka nagmamadali nang lumapit sa kanya habang ipinupusod ko ang mahaba kong buhok pataas.
“Ako na dito. Panglalaking trabaho ‘to,” pagkontra niya sa akin.
“Ano’ng akala mo sa akin, ‘Tay, mahina? Malakas ‘to, ano?” sagot ko sa kanya, sabay taas ng braso ko para ipakita kunwari na may muscle dito.
“Tigilan mo ko, Stella. Ang mabuti pa, tawagin mo na lang si Nikko para tulungan ako.”
“Si Tatay talaga.”
Tumalikod na ako para lumabas at sunduin si Nikko.
“Nikko. Ikaw daw dun sabi ni Tatay.”
“Bakit?”
“Magbubuhat ng mga mabigat. Ayaw niya akong patulungin.”
Bahagyang tumawa si Nikko, “malamang. Ikaw na lang dito, isasampay lahat ng mga basa para matuyo.”
“Okay.”
HALOS hatinggabi na nang matapos kami sa pagilimas at pag-aayos ng mga nabasang mga gamit, at mabilisang pagkumpuni ng bubong. Pagod at gutom kaming lahat, kaya siguro tahimik ang lahat habang kumakain ng hapunan.
“Mauuna na ako sa inyo,” paalam ni Tatay sa amin at saka tumayo na.
“‘Tay, tapos ka nang kumain” tanong ni Aira.
“Wala na ngang itutulog ‘yang Tatay n’yo. Maaga pa’yan bibiyahe mamaya.”
Si Nanay ang sumagot para kay Tatay.
Totoo naman. Araw-araw, alas-otso pa lang ng gabi ay tulog na si Tatay. Pagdating ng alas-dose ng gabi, gigising na siya para kunin at ikarga sa mini truck niya ang mga gulay na ide-deliver niya. Pero dadaan muna siya sa bahay para maligo at mag-almusal bago tuluyang tumuloy sa pagde-deliver, kasama ng isang tao niya na nagsisilbing kargador niya.
Nakatayo na si Tatay nang balingan ako, “ikaw, Stella, sasabay ka ba sa akin bukas?”
“Hindi na muna,’Tay. Mage-extend muna ako ng konting tulog. Pagod na pagod ako.”
“Mabuti pa, at baka mag-alanganin ako sa oras.”
Tumango lang ako.
“Pagkakain ninyo magsipahinga na rin kayong lahat,” bilin ni Tatay sa amin bago siya naglakad palayo.
NAGISING ako nang marinig ko ang malakas na boses ni Nanay.
“Ay naku, Stella. Akala ko naman bumangon ka na kanina. Papasok ka pa ba?”
Bumalikwas ako ng bangon. Inihilamos ko ang kamay ko sa mukha ko. Pagkatapos ay tiningnan ko ang oras sa dingding ng kuwarto ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung anong oras na. Binalingan ko si Nanay.
“‘Nay? Bakit ngayon mo lang ako ginising? Ano’ng oras na.”
Nagmadali na akong bumaba ng kama ko. Kumuha ako ng underwear na isusuot ko sa lagayan ko ng mga damit.
“Aba? Kanina pa kita ginigising. Nagpunta na ako kanina dito. Umupo ka na sa kama mo nang iniwan kita. Malay ko bang matutulog ka uli pagka-alis ko?”
Sandali akong nag-isip. Pilit kong inaalala kung totoo ba ang sinabi ni Nanay pero wala talaga akong maalala. Kesa maubos ang oras ko sa kakaisip, napagpasyahan kong maligo na. Tutal, totoo man o hindi, wala na rin namang bearing iyon dahil male-late na rin siya.
“‘Nay, pabaunan mo na lang ako ng tinapay o sandwich. Padagdagan na lang. Sisingit na lang ako kumain sa office mamaya,” bilin ko kay Nanay bago ako pumunta na sa banyo para maligo.
Mabilis lang ang ginawa kong paliligo. Mabiis din akong nagbihis. Mabillis ko ring sinuklay ang buhok ko, bago ako nagmamadaling bumaba sa hagdan.
“‘Nay? Aalis na po ako,” malakas na tawag ko kay Nanay habang nagsusuot ng sapatos.
Naisipan kong mag-text sa supervisor ko para sabihing mahuhuli ako ngayong araw. Malapit na ang evaluation at mahirap nang mabigyan niya ako ng mababa at negatibong marka. Hindi ako pwedeng bumagsak sa subject na ito at ulitin uli. Naalala kong idamay na si Leslie sa abiso ko na mahuhuli ako. Baka nag-aalala na rin sa akin iyong isang iyon.
Hindi naman nagtagal si Nanay, bitbit ang isang maliit na paper bag.
“Oh, eto na ang baon mo,” abot niya sa akin.
Kinuha ko iyon mula sa kanya, at saka humalik sa pisngi niya.
SINUWERTE naman akong makasakay agad ng dyip papunta sa sakayan ng bus. Sinilip ko ang paper bag na inabot sa akin ni Nanay. Nakita ko ang ilang pirasong pandesal, at ilang piraso ring mga biskwit. Dumukot ako ng isang balot nung biskwit, at saka kinain iyon sa biyahe.
Hindi rin naman ako masyadong naghintay ng bus para makasakay, pero hindi pa rin magbabago na late pa rin akong makakarating sa Verizon nito.
Dalawang kanto na lang ang layo ng sinasakyan kong bus sa building ng Verizon nang bumagal ang takbo ng trapik. Lihim akong napamura dahil iyong tinantiya ko kanina na kinse minutos na late ko sa pagpasok ay mukhang madadagdagan pa yata. Wala naman akong magagawa, kung hindi tanggapin na lang ang kapalaran ko ngayon.
Nang sa wakas ay nakarating na ang sinasakyan kong bus sa tapat ng building ng Verazon, nagmamadali na akong bumaba.
“Stella, na-late ka yata ngayon?” pagbati sa akin ni Romy, ang security guard na laging naka-assign dito sa employee’s entrance ng Verizon.
Matanda lang ng dalawang taon sa akin si Romy. Working student sya. Pagkatapos ng duty niya dito sa Verizon, nag-aaral naman siya sa gabi. Sa pagkakatanda ko ay Auto Mechanic ang kurso niya sa isang vocational school.
“Oo, eh. Pinasok kasi ng tubig ang bahay namin dun sa malakas na ulan . kahapon. Napagod ako magpatuyo ng mga nabasang gamit namin.”
“Ah, binaha kayo?”
Nakangiting umiling ako, “hindi. May butas na mga yero namin sa bubong.”
Napangiti rin si Romy.
“Ayun lang,”natatawa niyang sabi, “sige na, pasok na at tanghali ka na.”
“Miss Trainee? You’re late today?”
Pareho kaming nagulat ni Romy nang narinig namin ang dumadagundong na baritonong boses nung nagsalita sa likuran ko. Nanigas ako sa kinatatayuan ko, habang nakita ko ang pagtingin ni Romy sa likuran ko. Kitang-kita ko rin ang pagkagulat sa mukha niya.
Pasimple akong nagbuga ng hangin, at saka lakas-loob na hinarap ang may-ari ng boses.
“G-Good morning, S-Sir Brandon. Medyo na-late lang po ako kasi medyo napagod po ako kahapon–”
“Napagod?” putol ni Brandon sa sinasabi ko, habang nakataas pa ang isang kilay.
“Y-Yes, Sir. Kasi po–”
“You don’t look like one, Miss Trainee. You are telling me that while here you are, making a sweet conversation with one of the company’s guard,” putol niya uli sa akin, na may kasamang pag-aakusa sa boses niya.
Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Sweet conversation?
“Pardon, Sir?” sabi ko sa kanya.
“Excuse me po, Sir Brandon… wala po kaming ginagawang masama ni Stella..”
Seryosong tiningnan ni Brandon si Romy.
“I am not talking to you, kaya huwag kang sagot nang sagot,” napalunok na lang si Romy. Nakaka-intimidate naman kasi talaga ang dating ni Brandon, ”I will deal with ngyou later. With your superior.”
“Y-Yes, Sir,” mahinang sagot ni Romy.
Naawa ako bigla kay Romy. Wala naman siyang ginagawang masama. Nadamay pa ang trabaho niya nang dahil sa akin.
“And you.”
Alam kong ako ang pinatutungkulan niya ngayon. Wala namang iba. Tatlo lang naman kaming nandirito ngayon. Napilitan akong lumingon kay Brandon. Wala naman akong choice, di ba?
At hindi nga ako nagkamali. Nasa akin nga ang atensyon ni Brandon ngayon. Nakaturo pa ang hintuturo niya sa mukha ko. Buong tapang kong sinalubong ang titig niya sa akin. Kung ibang sitwasyon siguro, baka kinikilig na ako ngayon na katitigan ko ang super ultimate crush ko.
Pero iba ang sitwasyon namin ngayon. Pero ganunpaman, hindi naman yata tama na akusahan niya ako ng hindi maganda at ng bagay na hindi ko naman ginawa.
“As a trainee, you are being compensated by the company.”
“I am aware of that, Sir,” buong tapang kong sagot.
“And why are you loitering around and doing nothing here? This is the second time that I saw you dong this. The first time is in the elevator while you are wandering on all the floors of my buiilding.”
Literal na napanganga ako.Wandering sa lahat ng palapag ng building niya? Ano ako, bata? Para paglaruan ang elevator?
“I beg to disagree, Sir.”
Huminga muna ako nang malalim. Para kasing punong-puno ng hangin ang dibdib ko ngayon sa inis dito sa mayabang at masungit na lalaking kaharap ko. Pinipigilan ko lang na lumabas ang inis ko dahil ayaw kong maging dahilan iyon para alisin ako dito bilang trainee. Sabi ko nga, hindi na ako pwedeng mag-aksaya ng panahon. Kailangan kong maka-graduate as per schedule.
“Sir, hindi na po ako batang munti para hindi malaman kung ano ang dapat gawiin. Lumampas lang naman po ako sa floor na bababaan ko last time. Kung hindi n’yo naman po ako kinausap that time, malamang sa tamang floor po ako makakababa.”
Kinakitaan ko ng bahagyang pagkagulat si Brandon. Hindi niya siguro akalain na ang isang trainee na tulad ko ay may lakas ng loob na sagutin siya, ang CEO ng Verizon Communications.
Pero siguro ay sanay na siya sa mga ganitong sitwasyon, nakita kong saglit lang ang pagkagulat niya at agad na nakabalik ang mukha niya sa dati. Iyong mukha na seryoso at walang emosyon.
“As far as I know, wala po akong nilalabag pang company policy as of the moment. You see, Sir. Sa iyo na rin nanggaling na late ako ngayong araw na ‘to sa pagpasok ko dito sa kumpanya mo. And kaka-time in ko pa lang. So, technically speaking, ngayon pa lang aandar ang oras ko, Sir.”
Nakatingin lang si Brandon sa akin. At masasabi kong shock is all over his face. Hindi ba siya sanay na may nanngangatwiran sa kanya?
“Kung wala ka na pong sasabihin Sir, papasok na po ako. Sayang po iyong ilang minuto na itinambay ko rito. Dapat ay nagagawa ko na ang trabaho by this moment.”
Kita ko ang pag-igting ng panga niya. Marahil ay dahil sa pinipigilan niya ang sarili niya na magpa-apekto sa akin.
“Go,” impit at halos gigil na sagot niya sa akin.
Hindi na ako sumagot. Sa halip ay bahagya akong yumukod sa harap niya, at saka umalis na doon.
Napabuga ako ng hangin. Wala pa akong isang linggo rito sa kumpanyang ito pero ilang beses ko nang naka-engkwentro si Brandon mismo.
Napaisip din ako. Talaga bang ganun ang ugali niya? Parang laging galit sa mundo. No wonder. Lahat ng mga pictures niya sa mga magasin at sa internet ay puro seryoso. Wala pa yata akong nakitang picture niya na nakangiti siya. Ano kaya ang reason kung bakit siya ganun?
Nakarating na ako sa second floor. Mabuti na lang at alanganing oras na ngayon. Abala na halos lahat ng empleyado sa mga trabaho nila. Kung hindi, baka hindi ko kinayang maglakad dito ngayon pagkatapos ng naganap sa amin ni Brandon kanina sa ibaba.
Pagpasok ko sa salaming pintuan ng departamento namin, tila iisang tao na sabay-sabay na lumingon silang lahat sa akin. Nagtaka man ako pero binalewala ko lang iyon, kasi pwede namang nagkataon lang. Agad kong hinanap si Leslie sa nakatoka niyang upuan, pero wala siya roon.
Nang biglang lumabas mula sa cubicle niya ang supervisor namin ni Leslie na si Mam Leah.
“Stella, akyat ka raw sa HR. Ngayon na.”
Oh, sh&t!
~CJ1016