CHAPTER 6 -SIXTH FLOOR

2125 Words
Pagkasabi sa akin nun ay pumasok na uli si Mam Leah sa cubicle niya. Hindi ko alam kung hindi niya napansin o sadyang hindi niya na pinansin ang pagkatulala ko. Nanlalambot na inilapag ko ang bag ko sa ibabaw ng mesa na laan sa akin, at saka ako naupo. Wala sa loob na napatingin ako sa gawi ng mesa ni Leslie. Wala siya doon ngayon. Kung kailan naman kailangan ko ng makakausap. Ibinaling ko muna sa mga papel na nasa mesa ko ang atensyon ko. Hihintayin ko muna si Leslie na bumalik bago ako umakyat sa HR. Hanggang sa hindi ko namalayan na nakabalik na pala si Leslie sa upuan niya. Namalayan ko na lang na nakatingin sa akin si Leslie. Nagtatanong ang tingin niya sa akin. Ihiniwalay ko ang tingin ko sa kanya, at saka ako huminga nang malalim. Gusto kong magkuwento sa kaya pero hindi naman pwede ngayon. Itinuon ko na lang muna ang atensiyon ko sa mga papel na nasa mesa ko. Iniayos ko muna iyon at saka inilagaay sa isang bahagi ng mesa. Babalikan ko na lang ang mga ito mamaya pagkagaling ko sa HR. “Huy! Ano’ng nangyari? Pinapapunta ka raw sa HR? ” Nagulat na lang ako na nasa tabi ko na si Leslie. Napahawak pa ako sa n dibdib ko dahil sa bigla niyang pagsulpot. Inirapan ko siya, bago ko siya sinagot. “Ikaw talaga… basta sa tsismis…” sita ko sa kanya. “Huy. Hindi ba pwedeng concern lang sa iyo?” ngumuso pa siya, “tsismis talaga?” tila may pagtatampo sa boses ni Lesliie. “Mamaya na lang,” sagot ko, tapos ay tumayo na ako at lumabas. Mababagal ang mga hakbang ko habang papunta sa direksyon ng elevator. Nang nasa tapat na ako ng elevator, nag-alanganin akong sumakay. Parang nagka-phobia na akong sumakay. Baka mamaya makasabay ko na naman si Brandon at sungitan na naman ako. Eh, kung maghagdan na lang kaya ako? “Okay ka lang, Stella? Nasa fifth floor ang HR, nasa second floor ka lang ngayon. Matagal pa ang mahal na araw para magpenitensya,” pagsagot ko sa sarili ko. Hindi pa ako tuluyang nakakapagdesisyon kung gagamit ba ako ng elevator o maghahagdan na lang nang bigla na lang itong tumunog, hudyat na nandito na ito sa palapag ko ngayon at ano mang sandali ay magbubukas na ito. Biglang bumangon ang kaba sa dibdib ko. Paano kung sa pagbukas ng pintuan ng elevator ay si Brandon ang makita ko? Hindi na lang siguro ako sasakay kapag nagkaganun! Ayoko na siyang makasama sa loob ng elevator, lalo pa at kung kaming dalawa lang ang sakay nun. Baliw! Eh di, susungitan ka na naman nun kapag ginawa mo iyon, Stella. Hindi ka ba na-iisip? Kapag nagkataon, baka iyon na an ikatanggal mo rito sa Verizon. Haist! Oo nga! Bakit ba kasi ang sungit niya? Ganun ba talaga siya kasungit sa lahat? Sayang ang kaguwapuhan niya! Tuloy, para akong tanga na habang unti-unting nagbububukas ang pintuan ng elevator ay pilit kong sinisillip ang loob nito kung sino ang sakay. Napabuga na lang akong hangin nang makita ko na wala namang tao sa loob. Mabilis na akong sumakay sa elevator, sabay dalangin na sana hindi ko talaga makasakay si Brandon mula sa mga susunod na palapag. Nakabantay sa mga numero sa gilid. Sa bawat palapag na nalalampasan ng elevator ay gumagaan ang pakiramdam ko. Ding! Abot-abot ang pasalamat ko, habang lumalabas ako ng elevator. Kung pwede nga lang akong mag-shout out dito nang malakas, sasabihin kong - “I have survived!” Pero baka mapagkamalan pa akong nababaliw dito, kaya sasarilinin ko na lang ang pagdiriwang ko. Naglakad na ako papunta sa opisina ng HR, pero muli akong inatake ng kaba kaya bigla akong lumiko sa direksyon ng CR. Hindi ko alam kung naiihi ba talaga ako o epekto lang ng kaba na nararamdaman ko kaya para akong maiihi. Pero para sigurado na lang, pumasok na rin ako sa isang cubicle doon. Pinili ko ang nasa pinakadulo. Itinataas ko na ang underwear ko nang parang bumukas ang pintuan ng CR, itapos ay may mga boses akong narinig. “Talaga ba?” sabi nung unang boses, “parang hindi ko ma-imagine na magagawa ni Yvonne iyong ganun.” “Ako nga rin,” sabi naman ng ikalawang boses, “wala sa karakter niya ang ganun. Hindi palasalita ‘yun at subsob lang sa trabaho.” Sa halip tuloy na lalabas na ako dito sa cubicle ko ay nahiya tuloy akong lumabas. Mukhang napaka-sensitibo ng pinag-uusapan nila. Di bale, paaalisin ko na lang muna sila bago ako lumabas dito. “Eh, si Greg din naman. Ang pagkakakilala ko dun loyal na loyal sa asawa. Ano kaya’ng nangyari?” Wala naman akong balak makinig sa usapan nila, pero nakuha nito ang atensyon ko. “Silang dalawa lang ang makakasagot niyan. Silang dalawa lang ang nakakaalam kung ano’ng nangyari para matukso sila sa isa’t isa. Ayoko na ring pag-usapan ‘yan. Hindi ko alam, baka balang araw mapunta rin ako sa ganung sitwasyon, kaya shut up na lang ako,” sabi nung medyo malaki ang boses. “Sabagay… may point ka diyan. Mabuti, walang nagsusumbong sa kanila sa HR,” sabi nung medyo matinis ang boses. “Oo nga. Mabait kasi sila pareho. Kaya siguro. Saka, nakakaawa naman pareho kapag nawalan ng trabaho. Si Yvonne, hiwalay sa asawa. Si Justin naman, wala namang trabaho ang asawa nun, siya lang ang inaasahan.” Pati tuloy ako, nakaramdam ng awa sa mga taong sinasabi nila, kahit hindi ko naman sila kilala. Nang bigla kong naalala na kaya nga pala ako nandito dahil kailangan ko nga palang pumunta sa HR. Bigla ay gusto ko nang makalabas sa cubicle na ito. Pero paano? Makikita ako nung mga nasa labas. Hindi man planado ang ginawa kong hindi agad paglabas dito sa cubicle, paniguradong iisipin nila na sinadya kong makinig sa usapan nila. Paano ba ito? Nang bigla kong narinig ang pagbukas ng pintuan ng CR. Lalabas na ba sila? “Ang tagal n’yo namang mag-CR!” Bago sa pandinig ko ang boses na iyon. Mukhang may panibagong dumating. May narinig akong mga mahinang pagtawa. “Sorry, nalibang kami sa tsismisan,” sabi nung matinis ang boses. “Nakaihi na ba kayo? Kung hndi pa, bilisan n’yo na at nang makababa na tayo. Mag-CR na nga rin ako,” sabi nung bagong dating. Bigla akong kinabahan. Tatlo lang ang cubicle dito. Kung lahat silang tatlo ay pare-parehong gagamit ng cubicle, mabubuking na nandito ako sa loob ng cubicle na ‘to! “Dun na lang tayo sa ibaba mag–CR. Baka mamaya may pumasok na taga-HR dito, makuwestiyon pa tayo kung ano’ng ginagawa nating tatlo dito eh, si Jam lang naman ang kumuha ng SSS form sa HR,” sabi nung may kalakihan ang boses. Bahagya akong nakaramdam ng ginhawa sa dibdib ko. “Sige, tara na. Doon na nga lang tayo sa ibaba,” sagot naman nung matinis ang boses. Nakiramdam ako sa labas. Pinakinggan kong mabuti ang pagsara ng pintuan para maging hudyat ng paglabas ko dito sa cubicle. Tahimik na sa labas pero nagparaaan pa rin ako ng ilang sandali bago lumabas ng cubicle. Nang lumabas ako ng cubicle ay deretso na akong lumabas sa pintuan ng CR at saka dumerecho na papunta sa opisina ng HR. Muling bumalik ang kaba ko habang papalapit na ako sa pintuan ng HR. Kasabay ng pagka-alala ko ng dahilan kung bakit ako nandito ngayon at papunta sa opisina ng HR. Isinumbong ba talaga ako ni Brandon sa HR? Naalala ko tuloy ulli iyong nangyari sa amin kanina sa elevator. Nabuhay uli ang inis ko sa kanya. Nakakainis naman kasi siya talaga! Pwede naman niyang sabihin nang maayos. Hindi iyong para akong batang musmos kanina na sinesermunan niya! Nakayuko si Ms. Joyce dahil abala sa binabasa niya. Hindi ko alam kung ano ang nag-udyok sa akin para silipin kung ano iyong binabasa niya. Ang unang nakita ng mga mata ko ay ang salitang NOTICE TO EXPLAIN in big, bold capital letters. OMG! Para sa akin ba ‘yun? Napalunok ako, pero pinilit kong hindi magpahalata kay Ms. Joyce nakinakabahan ako. Pambihira! Hindi ba pwedeng daanin muna sa mabuting ousapan? Paaalisin na ba ako dito sa Verizon? Hindi na pwede! Magagahol na ako sa pag oras para ang six hundred hours bago matapos ang semester na’to. Hindi n pwedeng a office niya. Upo ka muna.” Nginitian ko siya pagkasabi niya nun, pero hindi ko alam kung ngiti nga ba talaga ang rumehistro sa mukha ko. Oo nga pala, attorney nga pala ang head ng HR. Ano ba’ng laban ko sa kanya kung sakaling gusto na nila akong alisin ngayon? Tumalikod na ako at saka tinungo ang sofa na nasa malapit sa pintuan at saka naupo. Ito ang nagsisilbing waiting area nila rito. Inilabas ko mula sa bulsa ko ang telepono ko. Sisilip muna ako sa social media account ko habang hinihintay ang HR Manager. Bakasakaling mawala ang kaba na naaramdaman ko kaniina pa. Hindi naman nagtagal at tinawag na ako ni Ms.Joyce. “Stella, pasok ka na.” Nag-angat ako ng tingin mula sa telepono ko. Hindi nakaligtas sa akin ang isang babaeng empleyado na lumabas mula sa opisina ni Attorney Mitch. Namumula ang mukha nito, lalo na ang ilong na halatang galing sa pag-iyak nang sobra. Nakaramdam ako ng awa doon sa babae. Pero nang maisip ko na baka ganun din ang mangyari sa akin mamaya, bigla naman akong kinabahan. At hindi pa man kami nag-umpisang mag-usap ni Attorney Mitch, naawa na agad ako sa sarili ko. “Stella,” pagtawag uli sa akin ni Ms Joyce. Pasimple akong nagbuga ng hangin. “Good luck sa ‘yo, Stella,” mahinang sabi ko bilang pagbibigay suporta ko sa sarili ko. Tapos ay tumayo na ako at naglakad papunta sa sentensiya ko. Kumatok ako ng tatlong beses, nagbilang sa isip ko ng isa hanggang tatlo bago ko binuksan ang pintuan ng opisina ng HR Manager. Matik na tumingin siya sa gawi ko nang bumukas ang pinto. Seryoso ang mukha niya pero bahagyang ngumiti nang makita ako. “Come in,” sabi niya sa akin. Pumasok ako sa loob sa kabila ng pagtahip ng dibdib ko. Pinilit kong ngumiti kay Atttorney Mitch. Gusto ko sanang batiin siya ng magandang umga, pero tila walang tunog na gustong lumabas mula sa lalamunan ko. Sa halip ay tahimik na lang akong naupo sa silyang nasa harapan ng mesa niya. “Hello, Ms. Alejandro. Or…” nagbaba siya ng tingin sa papel na hawak niya. Siinundan ko iyon ng tingin at nakita ko na iyong resume na ipinasa ko sa kanila ang hawak ni Attorney Mitch ngayon at pinapasadahan ng basa. “Can I call you Stella?” tapos ay nag-angat siya ng tingin sa akin, “para naman hindi tayo masyadong formal.” Kimi akong ngumiti sa kanya, at saka tumango. Ramdam ko ang panlalamig ng mga kamay ko sa mga sandaling ito. “Ikaw pala ang napili ni Leah,” pagkuwan ay sabi niya. Napili? “Napili po?” Hindi ko napigilang itanong. “Yeah. Nagpa-assist ako kay Leah. One secretary will be busy with her wedding preparations. So, from time to time, she needs to go on leave. I need someone to pitch for her job. Okay lang ba ‘yun sa ‘yo?” “Iyon lang po ang dahilan kaya ako nandito ngayon?” hindi ko mapaniwalaang tanong. Magre-reliever lang pala ako? Naknamputsa. “Why… yes. Hindi ba sinabi ni Leah sa iyo kung bakit?” nagtatakang balik-tanong ni Attorney Mitch. Hindi ko napigilang mapangiti, at saka nakangiting umiling ako sa kanya. “Oh… anyway, may I know if it is okay with you? Para ipa-endorse na kita kay Joyce. So that you can familiarize already with some of the task.” “Sure, Mam. No problem,” nakangiting sagot ko sa kanya. “Wait, tatawagin ko lang si Joyce,” sagot niya sa akin, sabay dampot ng telepono sa gilid ng mesa niya. Palihim akong nagpasalamat habang abala si Attorney Mitch sa pag-dial s telepono niya. Biglang nawala ang kaba sa dibdib ko. Buti na lang! Kailangan ko talagang matapos itong OJT ko na ‘to. “Joyce, samahan mo na itong si Stella sa sixth floor,” narinig niyang sabi ni Attorney Mitch sa kausap niya sa kabilang linya. Prente pa rin siyang nakaupo doon nang bigla siyang naisip. Kinakabahang binalingan niyang muli si Attorney Mitch. “Pakiulit, Mam… sixth floor?” “Yes. Sa CEO’s office,” nakangiting sagot ni Attorney Mitch. Napalunok ako. Bakit ba hindi ko naisip agad na sa sixth floor nga pala ang opisina ng CEO na ‘yun? Tapos sa kanya ako magtatrabaho? What a fork?! ~CJ1016
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD