Masigla uli akong gumising kinabukasan. Excited na uli akong makita si Brandon. Kung dadating uli ako sa Verizon nang kaparehong oras katulad kahapon, malamang na malaki ang posibilidad na makita at makasabay ko uli si Brandon.
Sinadya kong tagalan ang pagligo. Hinilod kong maigi ang katawan ko. Baka kasi kulang lang ako sa intense na hilod para maging flawless ang balat ko.
Pagiging flawless na lang ang habol ko. Hindi naman kasi ako maputi. Tamang kayumanggi lang. Pero maipagmamalaki ko naman na may ibubuga ang mukha ko kung ganda rin lang ang pag-uusapan.
Nang makapagbihis na ako ng school uniform ko, kinuha ko ang pabangong iniregalo sa akin ni Ninang Edith ko, at saka ini-spray iyon sa katawan ko, sa halip na iyong regular na pabango ko na ginagamit ko kapag pumapasok ako sa eskwelahan.
Mamahalin kasi ang pabango na bigay ni Ninang Edith, kaya sigurado akong mas mabango ito at mas tatagal ang amoy. Ginagamit ko lang ito kapag may special occassion akong pupuntahan. At meron pa bang mas eespesyal pa kay Brandon Hizon?
Binistahan ko ang itsura ko sa salamin bago ako lumabas na ng kuwarto. Sana lang ay nakaalis na si Tatay para hindi niya ako maisabay sa trak niya. Para saan pa ang mamahalin at mabangong pabango na ginamit ko kung mag-aamoy gulay lang ako?
Pero malakas ang pakiramdam ko na nakaalis na si Tatay dahil ayaw na ayaw nun na tinatanghali siya sa daan. Isa pa, sinadya ko na ngang tagalan maligo, kaya sure akong wala na si Tatay.
Pero laking gulat ko nang pagdating ko sa kusina ay nakita ko si Tatay na nakaupo sa isa sa mga upuan doon. Mukhang kakatapos lang o patapos na siyang magkape. Aatras sana ako pero huli na, dahil biglang lumingon sa gawi ko si Tatay.
"Oh? Bakit ang tagal mo? Tara na, isasabay na kita," tanong niya sa akin.
"A-Ah… hala, 'Tay… kakain pa ako. Mauna ka na. Baka malanta agad ang mga gulay mo," pagdadahilan ko.
"Bilisan mo na lang kumain. Hintayin na kita."
Naku, lagot!
"Eh 'Tay… hindi ko maipapangakp 'yan."
Bigla akong pinanlakihan ng mga mata ni Tatay, "eh, kung iyong idinadaldal mo riyan, inumpisahan mo nang kumain dito, eh di natapos ka na sana."
Hindi na ako nakapangatwiran pa. Naglakad na ako papunta sa mesa kung saan din siya nakaupo. Pero hindi ako tumabi sa kanya. Ganunpaman, nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang paghaba ng nguso niya, at ang pagkibot ng ilong niya na tila may inaamoy sa hangin.
"Hindi ka ba naligo, Stella?"
"Naligo siyempre,'Tay," sagot ko, pero hindi ko tinitingnan si Tatay. Parang alam ko na kasi kung saan papunta ang tanong niya.
"Akala ko hindi ka naligo kaya ipinampaligo mo ang pabango mo."
"'Tay naman… ang aga-aga…"
"Oy, Stella. Baka mamaya, panay-panay lang ang lapit mo dun sa opisina sa Brian na 'yub, ha? Nandun ka para mag-OJT. Pinapaalala ko lang sa 'yo," mababa ang boses na sermon sa akin ni Tatay.
"Brandon, 'Tay. Hindi, Brian."
"Pareho na lang 'yun. Basta letter B din."
"Saka CEO po 'yun. Hindi naman ako basta-basta makakalapit sa kanya."
"Mabuti na iyong nagkakaintindahan tayo. Isa pa, mayaman 'yun. Hindi ka papansinin nun. Kaya huwag ka nang magtangkang lumapit sa kanya, at hindi kayo magka-lebel. Ayokong isang araw, uuwi ka dito sa bahay na masama ang loob mo. Kung OJT, OJT lang. Walang monkey business. Kailangan mong makatapos ng pag-aaral para gumanda ang buhay mo. Kahit hindi na kami ng Nanay mo."
Hindi na ako sumagot para hindi na humaba pa ang usapan namin.
Narinig ko ang pagtunog ng upuan kaya nahulaan kong tumayo na si Tatay. Pipi akong nagdasal na sana mauna nang umalis sa akin si Tatay.
"Bilisan mo na riyan. Sumunod ka na agad dito sa labas, aalis na tayo."
Nadismaya man na isasabay pa rin ako ni Tatay sa trak niya, nagmadali pa rin ako. After all, kabuhayan pa rin namin ang nakasalalay.
PAPUNTA sa opisina ng Verizon, dadaan at dadaan kami sa malaking billboard ni Brandon na naka-poste sa isang malaking mall. Hindi ko kayang tiisin na hindi tingnan iyon at titigan ang guwapong mukha niya roon. Dito ko lang naman siya pwedeng titigan nang ganito. Hindi ko naman kasi pwedeng titigan siya sa personal.
Makalampas sa malaking billboard na iyon, pumikit ako at nagkunwaring natutulog para hindi na kami magkaroon pa ng diskusyon ni Tatay.
Nang sa tantiya ko ay malapit-lapit na kami sa building ng Verizon, nagdilat na ako ng mga mata. Bahagya kong hinagod ang buhok ko, at baka nagulo.
"'Tay, diyan na lang uli ako bababa."
Naramdaman kong nilingon ako ni Tatay, pero hindi ako lumingon sa kanya. Alam ko kasing magtatanong uli siya kung bakit dito ako bababa.
Pero walang pagtatanong na nangyari. Tahimik na itinabi lang ni Tatay ang trak niya.
"Ingat sa biyahe, 'Tay," sabi ko sa kanya bago ako bumaba.
Inalalayan akong bumaba ng tauhan ni Tatay na sa likod nakaupo, kasama ng mga ide-deliver nilang gulay. Pagkababa ko, siya naman ang pumalit sa kinauupuan ko. Pinagmasdan ko ang trak hanggang sa makalayo, at saka ako naglakad papunta sa medyo malapit nang building ng Verizon.
Hindi ako makapag-spray ng pabango dahil hindi ko dinala iying mamahaling pabango na bigay sa akin. Kung kagabi at kanina ay hinihiling ko na makita at makasabay ko uli si Brandon, ngayon ay ayoko na. Baka kasi kung anong amoy ko ngayon, nakakahiya lang kay Brandon.
Nagmamadali akong naglakad papasok sa main building pagkatapos kong i-swipe ang ID ko sa scanner para sa time-in ko sa araw na ito. Nakita kong papasara na ang pintuan ng elevator kaya halos takbuhin ko na ito para makahabol ako sa pagsakay. Mahirap na, baka mamaya, kapag hinintay ko pa ang susunod na pagbaba nitong elevator, madatnan pa ako ni Brandon dito at makasabay ko pa. Eh, amoy ewan pa nama yata ako.
“Wait! Wait! Pasabay!” malakas kong sabi, sabay pindot sa buomn ng elevator para hindi magsara ang pintuan nito.
Suwerteng nakahabol ako at muling bumukas ang pintuan ng elevator dahil sa on-time kong pagkapindot nung buton. Lihim akong napausal ng pasasalamat. Pero hindi ko alam kung suwerte nga ba talagang matatawag nang makita ko ang sakay ng elevator.
Literal na napanganga ako nang makita ko ang nag-iisang sakay ng elevator, walang iba kung hindi si Brandon! At katulad kahapon, solo lang uli namin ang elevator.
Parang bigla ay gusto kong luimabas na lang uli ng elevator. Magdadahilan na lang siguro ako na may nakalimutan pala ako. Pero huli na, dahil nagsara na ang pinto.
Walang emosyon na tiningnan niya ang suot ko. Napansin siguro niya na hindi ako lehitimong empleyado rito dahil hindi ako nakasuot ng company uniform, at sa halip ay school uniform. Napansin kong tila may hinahanap pa siya sa katawan ko.
Iyong temporary company ID ko pala!
Natatarantang isinuot ko sa leeg ko ang ID lace na siyang humahawak sa temporary company ID ko. Bigla kong naalala na bumati sa kanya. Siya lang naman ang pinaka-boss sa kumpanyang ito.
“G-Good morning, S-Sir.”
Bigla akong sinapian ng ihiya kaya nautal ako sa pagbati sa kanya.
“Trainee?” sa halip ay sagot niya sa akin.
“Y-Yes, Sir,” sagot ko sa kanya, tapos ay humarap na ako sa pintuan ng elevator.
Pasimple akong lumayo kay Brandon para maglagay ng espasyo sa pagitan namin
"In what department were you assigned?" narinig kong tanong niya sa ma-awtoridad na tono.
Napalunok ako bago ako makasagot. Boses pa lang niya ay nakakatakot na. Dahan-dahan akong lumingon sa kanya, at saka tipid na ngumiti, bago sumagot.
"Marketing, Sir."
Hindi siya nagkomento sa sagot ko. Sa halip ay tumingin siya sa likuran ko, na ikinataka ko.
"Marketing Department is on the second floor. And we are now already approaching fourth floor."
Literal na napanganga ako. Ngayon ko lang napagtanto na iyong panel board ang tinitingnan ni Brandon. Ang tanga ko lang! Hindi ko pinindot ang buton para sa second floor.
Mabilis akong nagbaling ng tingin sa panel board para pindutin ang number four na buton. Pero huli na. Lumampas na iyon sa ikaapat na palapag.
Oh my…
Wala akong pagpipilian kung hindi pindutin ang para sa susunod na palapag.
"Next time, if it is just one floor higher or.lower, just take the stairs. Avoid taking the elevator, so that you can help the company to save electricity expenses."
Nakagat ko ang ibabang labi ko. Ang sungit-sungit naman! Pwede naman niyang sabihin sa magandang paraan. Hindi iyong akala mo nagnakaw ako dito sa kumpanya niya kung makapagsalita.
"Understood, Miss Trainee?"
Napapitlag ako nang marinig ko sa likuran ko ang malakas at baritono niyang boses.
"Y-Yes, Sir."
Nang tumunog ang elevator ng hudyat na nakarating na kami sa fifth floor, agad akong nakahinga nang maluwag. Makakababa na ako kaya maiiwasan ko na siya.
Pero bago pa ako makahakbang palabas, naunahan pa akong makalabas ni Brandon ng elevator. Magkasalubong ang mga kilay niya nang lumabas siya ng pintuan ng elevator.
Nagtaka ako kung bakit lumabas na siya. Hindi na sana ako magsasalita pa, pero nanaig ang pagmamalasakit ko sa kanya. Hinawakan ko ang OPEN DOOR button, at saka isinungaw nang bahagya ang ulo ko sa labas ng elevator.
"S-Sir? Fifth floor pa lang ito," pahabol kong sabi sa papalayong pigura niya.
Baka kasi napagkamalan niyang nasa sixth floor na kami sa sobrang inis niya sa akin.
"I know. I have to go the HR."
Nanlaki ang mga mata ko.
Naku! Patay! Isusumbong ba niya ako sa HR?
Ang unang pumasok sa isip ko ay bitawan ang pagkakahawak ko sa OPEN DOOR na buton para magsara na agad iyon at makababa na ako sa kasunod na palapag.
Pero agad kong naisip na aakyat pa nga pala ito sa sixth floor, kung saan nandoon ang opisina ni Brandon. At baka sabihan na naman niya ako na nagsasayang ng kuryente nitong kumpanya niya.
Agad-agad akong lumabas ng elevator, at saka nagmamadaling tinungo ang hagdanan na katabi lang at saka may pagmamadali na bumaba. Pagdating ko sa kasunod na palapag, tinungo ko ang elevator para doon sumakay pababa. At least, hindi ko na makakasabay dito si Brandon dahil salungat naman kami ng direksyon.
Sobrang malas ko na lang siguro talaga kung maisipan niyang bumaba uli at makasabay ko uli siya dito sa elevator.
Habang hinihintay ko ang pagbaba ng elevator, yumuko ako at pumikit para umusal ng maiklingng dasal. Na sana naman pagbigyan na ako ng Diyos na hindi ko na makasabay uli ngayon si Brandon dito sa elevator.
Pero wait. Ang sabi naman ni Brandon, kapag one floor lower or higher lang naman, di ba? At nasa fourth floor naman ako ngayon. So, kung sakaling makasabay ko uli si Brandon sa elevator, malulusutan ko siya!
Nang tumunog ang elevator na hudyat na nandito na siya sa fourth floor at anumang oras ay magbubukas na ang pintuan, hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba.
"Diyos ko po, oo nga po, sinabi ko sa Inyo na sana makita ko uli ngayong araw na ito si Brandon. Pero sana po, tama na po iyong kanina," nakayuko at nakapikit ko pa ring sabi.
Nang naramdaman kong nagbukas na ang pintuan ng elevator, idinilat ko muna ang isang mata ko, para mabistahan ko kung may nakasakay ba sa loob.
Biglang nagdumilat ang parehong mga mata ko nang makita ko ang pares ng sapatos na panlalaki. Tapos ay itim na pantalon. Oh no… si Brandon ba talaga 'to? Minamalas ba talaga ako ngayong araw na 'to?
"Miss, sasakay ka ba?"
Agad akong nag-angat ng tingin nang marinig ko na iba ang boses nung nagsalita. Nakita ko ang isang lalaki na parang kasing-edad ko lang. Nakasuot ito ng uniform ng university na malapit sa eskwelahang pinapasukan ko.
"Miss?" untag niya sa akin na nakapagpabalik ng katinuan ko.
"Ah, yes! Yes, sasabay ako. I mean, sasakay ako," natatatarantang sagot ko, tapos ay humakbang na ako papasok.
This time, sinigurado kong mapindot ko na ang buton ng numero ng palapag na pupuntahan ko.
"Sa Marketing ka?"
Nilingon ko iyong lalaking kasabay ko. Ngayon ko lang siya napagmasdang mabuti. May itsura ito. Actually, cute siya. Nakadagdag s pagka-cute niya ang dimple niya sa kanang pisngi niya. Tapos, tsinito ang itsura niya at maputi. Kung hindi ko nga siguro siya narinig na nag-Tagalog, baka napagkamalan ko siyang Koreano.
"Oo. Ikaw?" Nilingon ko ang panel board kung ano pang numero sa mga palapag ang nakailaw. Nakita ko ang G, ibig sabihin ay ground floor, kaya ibinalik ko ang tingin ko sa kanya.
"Ah, sa third floor ako. Sa Accounting. Pero may inutos sa akin iyong Accounting Supervisor. May pinaakuha sa lobby."
"Ahh… I see… sa St. Andrew's ka, right?" tanong ko sa kanya, sabay nguso sa suot niyang school uniform.
"Yup! Sa San Clemente State U ka?" balik-tanong niya sa akin, sabay tingin sa uniform ko.
Bahagya akong ngumiti. Kapag sa St. Andrew's ka nag-aaral, paniguradong may kaya ang pamilya mo. Sa state university naman, nandoon ang mga masisipag at nangangarap na makapagtapos ng pag-aaral, pero umaasa sa subsidy ng gobyerno. In short, eskwelahan na pang-masa.
"Oo. Magkapitbahay lang ang mga school natin," nakangiti ko pa ring komento. At least, medyo nakakalimutan ko na iyong takot ko kanina kay Brandon.
DIng!
Tiningnan ko ang panel board. Nasa second floor na nga ako. Muli kong nilingon iyong lalaki.
"Mauna na ako sa 'yo."
"Sige lang," sagot naman niya.
Pero bago ako makalabas ng elevator, muli siyang nagtanong.
"Ah, Miss? Ano nga palang name mo?"
Nilingon ko siya, "Stella."
Tumango siya.
"Nice meeting you, Stella. I'm Kai."
Napangiti ako.
"Kai?"
"Why?"
Lumabas na ako ng elevator dahil baka magsara na at mapasama pa ako sa
ground floor. Umusod pa si Kai sa bandang gitna ng elevator dahil hindi na niya ako tanaw mulz doon sa dating puwesto niya dahil unti-unti nang nagsasara ang pintuan.
Nakangiting umiling ako, "wala lang, madaling tandaan."
"Till next time, Stella!" pahabol pa ni Kai, bago tuluyang magsara ang pintuan ng elevator.
~CJ1016