Tuliro tuloy ang kanyang isipan dahil sa nangyari, baka nama dahil sa lasing lamang ito kaya nakapagsalita ito ng ganon. Baka nga mamaya kapag nawala na ang kalasingan nito ay limot na nito ang lahat ng ginawa at sinabi. Napailing na lamang siya, bakit kapag patungkol dito kaydali lamang niyang bumigay. Dapat umiwas na siya kanina bago pa matuloy ang lahat, alam naman kasi niya ang tunay nitong gusto. Wala itong pagtingin sa kanya, kapatid lamang siya para dito kaya iyong mga pagkakamaling nagawa nito. Siguradong nadala lamang talaga ito, kaya dapat naman na umiwas siya. Pero ang nangyari sa kanila kaning umaga at ngayon-ngayon lang, tiyak niyang hinding-hindi iyon mawawala sa kanyang isipan. Baka dumating pa ang araw na hanap-hanapin niya iyon. Ayaw niyang dumating ang araw na mag