"Oh, naku nakatulog na pala ako," narinig ni Janine na wika ni Larry na noon ay nagising na pala mula sa pagkakatulog nito sa upuan. Agad siyang tumayo mula sa sofa para puntahan ito. Baka kasi nagugutom na ito'y aalokin niya ng pagkain. Pasado alas onse na pa naman ng gabi. "Kuya Larry, gising ka na pala po Kumusta po okay ka na po ba?" Nakangiting tanong niya dito. Napangiti ito ng makita siya at hindi agad nakapagsalita sabay kamot sa ulo na tila nahihiya sa kanya. "Naku pasensya na Janine, nalasing yata ako ng sobra, naabala tuloy kita. Anong oras na bukas pa kayo, si Dude tulog na ba?" Nahihiyang tanong nito sa kanya. "Ah okay lang po 'yun Kuya Larry. Tulog na po si kuya kanina pa, mas nauna ka pa nga pong nakatulog sa kanya eh. Pero siya pinapasok ko na po siya sa kanyang s