“SA SOBRANG saya ng puso ko, halos ma-speechless na ako sa mga nangyayari,” ani Don Aurelio nang muli itong makaharap ni Ahtisa matapos niyang kumain. “Wala ng uwian,” nangingiti pa nitong dagdag. “At kahit may uwian po, hindi rin ako hahayaang umalis ni Kieran. Tanggap ko na rin naman po na mag-stay ako rito dahil sa kundisyon ko. Hindi papayag si Kieran na bumalik ako sa Manila.” “Hindi talaga ako papayag,” segunda naman ni Kieran na nakahawak sa may baywang niya. Hindi naman halata na ayaw talaga siya nitong pakawalan kahit malinaw na sa lahat na mag-asawa na sila. Bakas na bakas ang saya sa mukha ni Don Aurelio habang pinagmamasdan silang dalawa ni Kieran. Na para bang wala na itong mahihiling pa. “Masaya na ako sa buhay ko,” bulalas pa ng matanda. “At kontento na,” dagdag pa nito

