UNTI-UNTING iminulat ni Ahtisa ang kaniyang mga mata. Ang guwapong mukha kaagad ni Kieran ang kaniyang namulatan kaya naman agad sumilay ang matamis na ngiti sa kaniyang mga labi. Ito ang unang pagkakataon na walang pag-aalinlangan na natulog si Kieran sa gamit niyang silid. Hindi nababahala sa oras. O kung mayroon mang makakakita sa kanilang magkasama. Dahil ng mga sandaling iyon ay opisyal na opisyal na ang relasyon nila sa lahat. Isa pa, hindi lang sila mag-nobyo o ano pa man. Mag-asawa na sila sa mata ng lahat at wala ng makakapagbago pa niyon. Umangat ang isang kamay ni Ahtisa at masuyong hinaplos ang pisngi ng asawa niyang malalim pa rin ang tulog dala ng puyat. Hating-gabi na natapos ang party ni Kieran. At ang mga tauhan sa hacienda na mga kalalakihan ay mga hinintay matapos ang

