“AT TALAGANG gr-in-ab mo ‘yong sinabi ni Mamita na ilibot ka rito sa bahay,” ani Ahtisa kay Kieran nang makalayo sila sa may salas. “Lahat ng puwedeng opportunity, hindi ko palalampasin,” wala namang gatol na wika ni Kieran kay Ahtisa. “Isa pa, hindi tayo makakapag-usap ng ganito kung nakaupo lang tayo sa tabi nila.” May punto naman si Kieran. Hindi naman sa ayaw niya itong kasama. Sa totoo lang, gusto niya iyong ganitong nakakapag-usap sila ng malaya. Ipinakita niya kay Kieran kung ano-ano ang mayroon sa unang palapag ng kanilang mansiyon. Parang nag-instant house tour siya rito. “Hindi ko lubos maisip na ‘yong babaeng nakakasama ko pala noon sa San Roque, isang prinsesa.” Napahinto si Ahtisa sa paglalakad at pumihit paharap kay Kieran. “Ngayon, hindi na ako magtataka kung bakit ang

