Chapter 34

2128 Words

“SEÑORITA, gumising na po kayo.” “Antok pa ako, Iviang,” halos paungol na wika ni Ahtisa. “Señorita, dumating na po kasi ang bisita ng lola ninyo. At ipinagigising na po kayo ni Donya Alejandra.” “Hayaan mo lang sila,” ani Ahtisa na saka lang natigilan. Bisita? Bigla siyang napabangon nang maalala na parating sa araw na iyon sina Kieran at ang lolo nitong si Don Aurelio. “Bumangon na po kayo at mag-ayos ng sarili, Señorita. Nakahanda na po ang inyong isusuot,” wika pa ni Iviang. Nahilot niya ang kaniyang sentido. Tinanghali na siyang magising. Antok pa nga rin ang kaniyang pakiramdam ng mga sandaling iyon. Dala na rin ng kaniyang pagdadalang tao kaya madalas, tinatanghali siyang magising. Tinanguan niya si Iviang. Senyales na mag-aayos na siya ng kaniyang sarili bago siya bumaba.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD