Chapter 06

1445 Words
INILIBOT pa ni Ahtisa ang tingin sa loob ng kamalig. Maraming nakaimbak doong ubas. Seryoso ba talaga na magbibilang siya roon ng mga ubas? Wala roong katao-tao kung ‘di siya lang. Wala ring ilaw na nakabukas at tanging sa nakabukas lang na pinto nanggagaling ang liwanag sa loob ng kamalig. “Hindi naman siguro seryoso ang inspektor na ‘yon,” anas niya. Sa dami ng ubas doon, mabibilang ba niya iyon isa-isa? “Pahamak na ubas,” himutok niya bago naupo sa isang tabi. Mag-imbento na lang kaya siya ng bilang ng ubas na naroon? Maniwala kaya ang inspektor kung sabihin niyang naka-isang milyon siyang bilang ng piraso ng ubas? Natawa siya sa sariling kalokohan. “Ano’ng inuupo-upo mo riyan?” Napakislot si Ahtisa nang marinig ang boses na iyon. Hindi nga siya nagkamali at ang nakakainis na lalaking iyon ang nagsalita. Buhat sa kaniyang kinauupuan ay tumayo siya at animo manunugod nang lapitan niya ang lalaki. “Pahamak ka rin, eh. Sige nga, ikaw kaya ang magbilang ng mga ubas na ‘yan,” aniya na itinuro pa ang napakaraming basket ng ubas na naroon. “Bakit ako? Sa pagkakatanda ko, ikaw ang inuutusang magbilang diyan.” Napaawang ang mga labi niya. “Seryoso ba talaga ang inspektor na ‘yon?” “Pumunta ka rito sa kamalig, kaya siguradong sineryoso mo rin ang sinabi niya. Kaya ano pa ang ginagawa mo? Magbilang ka na.” “At ikaw? Papanoorin mo ako sa pagbibilang?” she hissed. “Ganoon na nga,” anang lalaki na kumuha pa ng isang kahoy na upuan at doon ay naupo. “Magbilang ka na. Dahil kung hindi mo gagawin, isusumbong kita. Madadagdagan ang parusa mo.” Ahtisa, kalma ka lang. Isang linggo ka lang naman sa ubasan na ‘yan, ani Ahtisa sa kaniyang isipan. At pagkatapos talaga ng isang linggo, hindi na siya babalik pa roon. Buburahin na talaga niya ito sa listahan niya na magbibigay ng anak sa kaniya. Pero sandali nga. Mukhang magandang ganti naman ang gagawin niya na magpaanak dito. Kukuhanan talaga niya ito ng sperm. Maghintay lang ito. Huminga nang malalim si Ahtisa upang kalmahin ang sarili. Kapagkuwan ay kinuha niya ang isang basket na walang laman at doon balak na ilagay ang bawat tangkay ng ubas na bibilangin niya. Naupo rin siya sa nakitang bangkito. Tiningnan pa niya ng masama ang lalaking prenteng nakaupo sa bangko habang nakatitig sa kaniya. “Manakit sana ‘yang mga mata mo,” wika pa niya rito bago nagbawi ng tingin at nagsimula ng magbilang ng ubas. Siya na isang tagapagmana ng kaniyang Mamita ay pinagbibilang lamang ng ubas sa lugar na iyon. May parte niya na gustong pagsisihan ang ginawang pagsama kay Ayrah sa lugar na iyon. Wala itong kamalay-malay na nagbibilang siya roon ng ubas. Siya mismo ang nahahabag para sa kaniyang sarili. “Ano? Masakit na ba ang mga mata mo?” Mukhang na-back-to-you kaagad siya ng sinabi niya kanina sa lalaki. Siya itong halos maduling-duling na sa pagbibilang ng mga ubas. Hindi pa siya nakakatatlong tangkay, pero suko na kaagad siya. Ibinalik na niya ang mga ubas sa basket na kinuhanan niya niyon. “Ayaw ko na,” aniya nang tumayo na. “Kung isusumbong mo ako sa inspektor, bahala ka. Kayo kaya ang magbilang dito ng ubas?” Nakaupo pa rin ang lalaki. Humalukipkip pa ito habang hindi inaalis ang tingin sa kaniya. Bakit parang ang angas lang nitong tingnan sa puwesto nito? Walang ginagawa, pero ang lakas ng dating. Idagdag pa na guwapo talaga ang hinayupak. Isa sa nakakainis. Parang sa bayan na iyon, ito lang ang guwapo. “Aalis na ako,” wika pa niya. Saka lang tumayo ang lalaki at naglakad palapit sa kaniya. Bigla siyang naasiwa nang hindi nito alisin ang tingin sa kaniya. “Saan ka pupunta?” tanong nito. “Uuwi ka na?” Lihim na napalunok si Ahtisa. Napaatras pa siya nang papalapit na ng husto sa kaniya ang lalaki. “M-mas gugustuhin ko pang mamitas ng ubas sa ubasan kaysa ang magbilang dito ng ubas. Isa pa, wala naman akong kasalanan. Kaya puwede ba? ‘Wag mong ipasa sa akin ang pagiging kupitero ng ubas.” Shit, ani Ahtisa sa kaniyang isipan nang mapabunggo na ang likuran niya sa isang haligi ng kamalig. Ano na naman ba ang trip ng lalaking ito? May balak ba itong gumanti sa ginawa niyang paghalik dito kahapon? “B-bakit ka ba lumalapit?” reklamo na niya rito. Halos tingalain pa niya ito dahil sa katangkaran nito. Ang bango rin nito. Para bang hindi man lang ito nabibilad sa arawan. Lihim na napalunok si Ahtisa. Seryoso lang ang guwapong mukha ng lalaki na nakuha pang ituon ang isang kamay sa kinasasandalan niyang haligi. Nakatitig pa rin ito sa kaniya. “Sino sa ating dalawa ang binangunot kagabi?” tanong nito. Hindi kaagad nakasagot si Ahtisa dahil ang lintik na halik na iyon ay halos hindi siya patulugin kagabi. Para ngang nararamdaman pa rin niya sa kaniyang labi kung gaano kalambot ang mga labi nito sa kaniya. “Siguradong ikaw ‘yon,” matatag niyang sagot nang makabawi. Iyong hitsura niya, tipong hindi magpapa-bully rito. Umangat ang mga kamay niya papunta sa may dibdib nito para sana itulak ito palayo sa kaniya. Pero ang mga kamay niya, para bang na-stock bigla sa matipuno nitong dibdib. Ramdam na ramdam niya iyon. Sigurado siya na mayroon din itong abs. Parang gusto niyang silipin. “Ngayong gabi, sino kaya ang babangungutin?” Akmang itutulak niya palayo ang lalaki sa kaniya nang walang pakundangan na bumaba ang mukha nito palapit sa kaniya. Halos manlaki pa ang mga mata niya nang siilin siya ng halik sa kaniyang labi ng lalaking ni hindi niya alam kung ano ang pangalan. Para bang tinakasan siya ng kaluluwa dahil sa ginawa nitong iyon. Halos hindi siya makagalaw sa kaniyang kinatatayuan. Na-stock ding lalo sa dibdib ng lalaki ang mga kamay niya na para bang nawalan ng puwersa na itulak ito palayo lalo sa kaniya. Totoong sakop ng mga labi nito ang kaniyang mga labi ng mga sandaling iyon. Gumaganti ba ito sa ginawa niyang paghalik dito kahapon? Bigla, parang hindi kinakaya ng puso niya dahil ngayon lang mayroong nangahas na humalik sa kaniya. “Ano? Natulala ka?” sarkastiko pang wika ng lalaki nang bahagyang ilayo sa kaniya ang mukha nito. “‘Wag mong sabihin na binabangungot ka na kaagad?” Right. Gumaganti talaga ang lalaking ito sa kaniya. Saka lang niya nagawang itulak palayo ang lalaki. Pero hindi man lang ito natinag sa kinatatayuan nito. Magpapatalo ba siya? Puwes hindi. Nabigla lang naman siya kanina. “Kung mayroon mang hindi makakatulog sa ating dalawa, ikaw lang ‘yon,” matatag na wika ni Ahtisa bago kinabig ang batok ng lalaki palapit sa kaniya. Sa pagkakataon na iyon ay siya naman ang humalik sa mga labi nito. Nabigla lang siya kanina kaya wala siyang kalaban-laban. Puwes, ngayon, titiyakin niyang hahanap-hanapin nito ang mga labi niya hanggang sa hindi ito makatulog. Mukhang hindi na nagulat pa ang lalaki sa ginawa niyang iyon dahil nakuha pa nitong tugunin ang halik na ipinamalas niya rito. Ang hindi lang niya napaghandaan ay nang lumalim pa ang halik na kanilang mainit na pinagsasaluhan na parang halos ayaw niyang tigilan kaagad. Para iyong masarap na ubas sa ubasan na hindi niya pagsasawaang paulit-ulit na tikman. Ngunit nang maalala kung nasaang lugar silang dalawa ay tuluyan ng natapos ang kabaliwan ni Ahtisa. Baka may makakita sa kanila at ma-headline pa sila sa buong ubasan. Dalawang trabahador sa ubasan, nakitang nagtutukaan sa kamalig! Napakapangit pakinggan. Nang magawa niyang itulak palayo ang lalaki sa kaniya, na tulad niya ay habol din ang paghinga, walang salita at lingon-likod na nagmamadali niyang nilisan ang kamalig. Ang kabog sa kaniyang dibdib ay sobrang lakas na kulang na lamang ay tumalon na palabas sa kaniyang dibdib ang kaniyang puso. Mariin pa niyang nakagat ang kaniyang ibabang-labi. Iyon ang first real kiss niya. Tipong nakipaggantihan siya ng halik. But damn it! Sobrang sarap ng halik na iyon. Mukhang siya nga ang babangungutin mamayang gabi. NAPUKPOK NI KIERAN ang haligi na sinandalan kanina ng babaeng iyon. Bakit parang siya itong nawalan ng kontrol kanina habang pinagmamasdan ang mga labi nito? Sinundan niya ang babae sa kamalig para sana tingnan kung seseryosohin nga ang inutos kanina rito ng isa sa tauhan niya sa ubasan. Pero bakit sa iba sila humantong na dalawa? “What the hell, Kieran?” anas pa niya sa kaniyang sarili na mas nauna pang humalik sa labi ng babaeng iyon. Napalunok siya. Kapagkuwan ay nilingon ang malaking pinto ng kamalig kung saan nagmamadaling lumabas ang naturang babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD