MARIING pinalis ni Ahtisa sa magkabila niyang pisngi ang mga naglandas na luha roon habang sakay siya ng tricycle pauwi sa Casa Mariana. Katatapos lang nilang maghiwalay ng landas ni Kieran sa araw na iyon. Hindi niya alam kung bakit sobrang apektado pa rin siya sa nalamang totoong pagkatao ni Kieran. Ang hirap palang magkimkim ng saloobin. Tipong, gusto niyang kastiguhin si Kieran o magtanong. Pero kapag nagharap na sila, hindi niya magawang magsalita. At isa pa, ano ba ang karapatan niya? Siya rin naman itong may itinatago at hindi tapat dito. Ngunit sa bawat araw na lumilipas, para bang pabigat nang pabigat ang nararamdaman ni Ahtisa. Ayaw naman niyang makasira sa nakatakdang pagpapakasal ni Kieran sa anak ng Gobernador. At saka, bilang si Maria na simple lang ang pamumuhay, tingin n

