NANGINGINIG pa rin ang pakiramdam ni Ahtisa nang makauwi siya sa Casa Mariana. Dumiretso siya sa kaniyang silid at doon ay agad na humiga sa kama. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga narinig at nalaman niya. Lalo na ang malamang ikakasal na sa ibang babae si Ran na ang totoo palang pangalan ay Kieran. Wala itong kamalay-malay na alam na niya ang totoo nitong pagkatao. Na ito pala ang apo ni Don Aurelio Sullivan. Kaya naman pala siguradong-sigurado palagi ang binata na walang ibang pumupunta sa kubo na palagi nilang pinupuntahan dahil ito ang nagmamay-ari niyon. “Kieran…” Oo, parehas silang mayroong itinatagong lihim sa isa’t isa. Wala na siyang pakialam pa roon dahil hindi rin naman siya iba rito. Itinago rin niya ang totoo niyang pagkatao. Mariin siyang pumikit. Bakit ganito ang

