RAMDAM na ramdam ni Kieran ang animo paghinto ng kaniyang mundo sa inaming iyon ni Ahtisa sa kaniya at sa lahat ng tao na naroon ng mga sandaling iyon sa kaniyang birthday party. Kumpirmasyon lang naman talaga ang kailangan niya para mapatunayan ang kaniyang hinala. Pero bakit ganoon? Kahit mayroon na siyang ideya, hindi pa rin niya maipaliwanag ang sayang nararamdaman nang umamin na si Ahtisa na nagdadalang tao ito? Ang paghinga niya, halos mapigil pa niya. At ang pinipigilang luha sa kaniyang mga mata? Hindi na rin niya napigilan pa sa pagtulo dahil sa labis na kasiyahan. “Surprise?” tanong pa sa kaniya ni Ahtisa na umangat pa ang dalawang kamay para palisin ang mga luha sa magkabila niyang pisngi. Siya naman ang pinaluha nito. Saka lang napakurap-kurap si Kieran. Agad siyang ngumi

