LAHAT ng naranasan ng ikinasal sa simbahan ay naranasan nilang dalawa ni Kieran. Ganoon din ang mga tradisyon pagdating sa reception. Napakasarap sa pakiramdam na maranasan ang lahat ng iyon. Bilang isang babae, sino ba ang hindi gugustuhing ma-experience iyong ganito? Kahit ikinasal sila ng civil wedding ni Kieran, akala niya ay okay na, pero mayroon pa palang mas i-o-okay. Bakas na bakas ang sayang walang mapaglagyan sa napakagandang mukha ni Ahtisa ng mga sandaling iyon. Lahat ng tao sa reception ng kanilang kasal ni Kieran ay makikitang masayang-masaya. Lalo na para sa kanilang dalawang mag-asawa. Nagsasayaw sila ni Kieran sa gitna ng malaking bulwagan kasabay ng isang malamyos na musika. “Ang saya lang sa pakiramdam na pati sa simbahan ay naikasal na rin tayo,” nakangiting wika ni

