NAPANGITI pa si Ahtisa nang makitang si Kieran pa ang hindi nakahintay ng alas dose ng hating gabi. Tulog na ito sa tabi niya. Mukhang napagod masyado. Buong ingat na bumangon si Ahtisa buhat sa pagkakahiga sa tabi ni Kieran. Hindi naman ito gumalaw o ano pa man nang umalis siya sa tabi nito. Maging sa paglabas sa kaniyang silid ay buong ingat din ang kaniyang ginawa. Sa paglalakad, sa pagbukas at pagsara ng pinto. Nagpasalamat pa siya dahil mayroong mga dim lights na nakabukas sa pasilyo kaya hindi sobrang dilim sa kaniyang lalakaran. Nang makarating siya sa kusina ay walang katao-tao. Ramdam na ramdam niya ang katahimikan sa gabing iyon. Walang ni isang gising maliban na lang siguro sa mga panggabi na security guard ng hacienda na nasa labas naman ng mansiyon. Baka kaunting kaluskos

