DALA-DALA ni Ahtisa ang saya sa kaniyang magandang mukha hanggang sa makabalik sila sa Hacienda Sullivan. Hindi rin hinihiwalayan ng ngiti ang mga labi niya. At ng mga sandaling iyon, nasa may lanai siya habang kumakain ng cake at ubas. Pag-uwi kasi, nagutom siya. Kaya heto, kumakain siya. Gusto na rin kasi niyang ubusin ang ubas niya at baka makain pa ng iba. “Gustong-gusto mo talaga ‘yang cake. Hindi ka ba natatakot na tumaba?” salubong ang mga kilay na tanong pa ni Val kay Ahtisa habang pinagmamasdan siya. “Kuya Val, hindi naman sobrang matamis ‘tong strawberry cake ni Tita Corazon,” dahilan naman niya. “Kung hihintayin mong alukin kita nitong cake ko, puwes, hindi kita bibigyan.” “Sa iyo na, baka mamaya, iyakan mo pa,” palatak pa ni Val. Nakangiti lang na nagpatuloy si Ahtisa sa k

