“NAULIT sa akin ni Kieran na nagustuhan mo raw ‘yong gawa kong strawberry cake,” nakangiti pang wika ni Tita Corazon kay Ahtisa nang lapitan siya nito sa may salas kung saan siya namamahinga. Mukhang tapos ng kausapin ni Kieran ang Tiyahin nito. At sa nakikita niyang ngiti sa magandang mukha ng Ginang? Mukhang payag ito sa gusto niya. Nakangiting tumango siya. “Opo.” “Kung gusto mo ipaggagawa na lang kita ng bago. Nakakahiya namang ipadala ‘yong nabawasan na.” “Naku, Tita, okay lang po ‘yong cake na mayroon ng bawas.” Gusto kasi niyang dala na nila pag-uwi ‘yong cake mamaya. Hindi iyon puwedeng maiwan kina Zayne. Baka iyon pa ang ipaghimutok niya habang pauwi sila sa San Roque. “Are you sure?” Nakangiting tumango si Ahtisa. “Okay. Ipapahanda ko sa maid para mamaya madala mo na.” “

