DUMARAMI na ang bisita sa may lawn, pero si Kieran, para bang daig pa niya ang hindi mapakali ang pakiramdam kaysa sa normal na may kaarawan lang sa gabing iyon. Nang mga sandaling iyon ay nasa may terrace siya sa pangalawang palapag ng kanilang mansiyon. Doon niya tinatanaw ang mga kaganapan buhat sa ibaba. All set na ang lahat. Tamang oras na lamang ang hinihintay. Bukod sa magandang lightnings sa event, design ng buong paligid, isa rin sa nagpaganda roon ay ang malamyos na musika na tumutugtog. Kahit nakaplano na sa kaniya ang gagawin, may kaba pa rin sa kaniyang dibdib. Lalo na at hindi pa rin nangyayari. Ni wala rin siyang inihandang speech para mamaya. Kung ano na lang ang pumasok sa isip niya ay iyon ang sasabihin niya. Straight from the heart, ika nga. “Bakit parang kakaiba a

