IYON ang unang pagkakataon na nakita ni Ahtisa na maraming tao sa hacienda. Lalo na sa parte na iyon ng mansiyon ng mga Sullivan. At kay ganda rin sa paningin ang maraming tao. Buhay na buhay ang naturang lugar. Wala rin siyang ibang masabi kung ‘di ang napakagandang setup ng birthday party ni Kieran. Na para bang sobrang espesyal talaga ng gabing iyon para dito. Nanatili siya sa kaniyang kinatatayuan habang tahimik na pinagmamasdan ang mga tao sa party. Si Kieran, mukhang hindi makakaalis basta sa kinaroroonan nito dahil sa mga kumakausap dito. Pero kita niya ang paglingon-lingon nito sa paligid. Mukhang hinahanap siya kung nasaan na ba siya. Sinadya niyang hindi dumaan sa may lanai papunta sa may lawn. Sa mismong harapan siya ng mansiyon dumaan para ma-feel naman niya ang pagiging in

