PINAUNA na ni Ahtisa sa paglabas sa kaniyang silid si Kieran. Binilinan pa niya ito na tumingin muna sa paligid bago tuluyang lumabas sa silid niya. Siya naman ay muling inayos ang sarili bago sumunod din sa paglabas ni Kieran. Nauna na itong bumaba. Masyado kasing obvious kung magsasabay pa silang dalawa sa pagbaba. Mas okay na iyong mayroong ilang minutong pagitan. Nakasabay pa nga niya ang kaniyang Lola Alejandra na pababa pa lang din. Dinner na rin kasi nila kaya siguro pababa na rin ito. “Good evening po, Mamita,” masaya pa niyang bati sa kaniyang lola na niyakap pa ito. “Good evening rin, apo. Ngayon ka pa lang ba bababa?” “Opo. Napaidlip po kasi ako nang bumalik kami rito ni Kieran galing sa ubasan.” “Oh, hindi ko na namalayan at akoy namahinga rin sa silid na gamit ko. Pero h

