PARANG gustong hilahin ni Kieran si Zayne palayo kay Val nang maabutan niya ang dalawa sa may gazebo. At ang pinsan niya, parang gumagawa talaga ng first move na mapalapit sa pinsan ni Ahtisa. Feeling close kaagad. Mukhang mali ang pagtataboy niya rito na makipaglapit kay Val. Sa pabilog na lamesa ay mayroong nakahain na red wine. Mayroon din na puwede nilang pulutanin. “Maupo ka na kaagad dito,” wika pa ni Zayne kay Kieran nang makita ang pagdating niya. Naupo siya sa bakanteng silya sa karatig ni Val. Syempre, hindi siya puwedeng maupo malayo rito. Lalo na at ang bilin sa kaniya ni Ahtisa ay makipaglapit siya sa pinsan nito. Syempre, gusto rin naman niyang maging good shot kay Val. “Hindi ka naman ba naiingayan o nakukulitan kay Zayne?” tanong pa ni Kieran kay Val. “Pinaglihi kasi s

