NAPABUNTONG-HININGA si Ahtisa. Mukhang umalis na si Ayrah. Wala pa naman siya sa mood na maglakad ng mga sandaling iyon pauwi sa Casa Mariana. “Lakad na naman,” anas pa niya. “Eh, ginusto mo naman ‘yan, Ahtisa, ‘di ba? Exercise pa more.” Hinubad na niya ang suot na jacket at isinampay sa kaniyang balikat. Sa munting hand basket naman niya inilagay ang kaniyang ginamit na pangtaklob niya sa buong mukha niya sa maghapon. At ang salakot niya sa ulo ay hawak lang din niya sa isa niyang kamay. Tumingala pa siya sa kalangitan. Gumuhit ang ngiti sa mga labi niya dahil kay ganda ng langit ng mga sandaling iyon. Basta mag-sa-sunset, maganda ang langit sa lugar na iyon. Napakapayapa. Iba talaga ang vibes sa probinsiya. Ramdam mo talaga na sobrang layo sa kahit na anong problema na puwedeng ibig

