IPINASYA na ni Ahtisa na bumaba na muna sa pickup. Dahan-dahan lang niyang inilakad ang injured niyang kanang paa. “Bakit bumaba ka pa?” sita pa sa kaniya ng lalaki. “Ano’ng problema ng sasakyan mo?” “May kailangan na namang ayusin.” “Baka kailangan mo ng ipatimbang?” Buhat sa tinitingnang makina ay nag-angat ang tingin ng lalaki sa kaniya. Kahit saang banda, napakaguwapo nito. Aware ba ito sa bagay na iyon? “Sasakyan pa ‘to ng lolo ko.” Kaya ba kahit mukhang luma na talaga ay ginagamit pa rin nito? Pero nasa probinsiya ito, hindi lahat ng tao roon ay mayroong sasakyan. Luma mang maituturing ang pickup na iyon, sigurado siya na malaking tulong iyon para sa binata. “Kaya pala kahit puwede ng ipatimbang sa junk shop, gagawan mo pa rin ng paraan para magamit,” hindi napigilang sabihin

