Sa paglipas ng mga taon, kagaya ng ibang pamilya ay sinubok din ng maraming pagsubok ang pamilyang binuo ng mag-asawang Enrico at Rizza. Kagaya na lamang ang biglang pagsulpot ng isang babae at nagsasabing inanakan ng una. "Who are you?" tanong ni Rizza sa isang babaeng biglang nangalampag sa kanilang tahanan. "Ako lang naman ang ina ng batang anak ng asawa mo. Kaya't tumabi ka kung gusto mo ang magandang usapan," taas-kilay nitong tugon. Kaya naman imbes na siya ang kusang magpapasok ay biglang sumulak ang dugo niya. Di yata't kailangan niyang ilabas ang sungay niyang hinahanap ng mga apo niya! "Tsk! Tsk! Sa lahat ng mga taong naghahabol sa asawa ko ay ikaw na yata ang pinaka-Satanas. Aba'y sino ang maniniwalang anak niya ang batang iyan. Okay, let's say anak niya iyan, aba'y kaedad n

