"Mom, Dad, alam naming hindi n'yo kami maiwan-iwan dito. Ngunit ako na po ang nagsasabing walang problema kung mag-travel kayo patungong Madrid. Sina Ate at Kuya lamang ang naiiwan doon sa bahay. Itong si Bianca ay sumama na rin sa asawa Korea dahil doon nagtatrabaho si JR. Nandoon sina Santiago at Anna Elizabeth ngunit hindi naman kaila sa ating lahat na naging lagalag na ang lalaking iyon. Si Anna Elizabeth ay siya na ang pumalit kay Kuya sa pagamutan. Sa madaling salita ay sina Kuya at Ate lamang ang nasa bahay," pahayag ni Wilmer Gabb. "Kung pupunta kami ng Daddy ninyo sa Spain, kayo rito, sino naman ang kasama ninyo? Parehas naman din kayong may trabaho. Sino ang maiiwan sa mga anak ninyo kapag nasa trabaho kayo?" agad namang tanong ni Ginang Christine Joy. "Maraming-maraming salama

