Gabi na nang maisipan kong umuwi. Wala sana akong balak na umuwi ngayon. Ayoko sanang matulog doon ngayong gabi dahil baka pumasok na naman siya doon. Gusto ko muna siyang iwasan. Gusto kong iparamdam sa kaniya na hindi ko gusto ang ginagawa niya para mapilitan siyang umamin sa akin. Pero wala naman akong maisip na maaari kong puntahan ngayong gabi. At saka ayokong mag-alala sa akin si Mia. Kasalukuyan na ako ngayong naglalakad sa kalsada sa loob ng subdivision at ramdam kong nariyan na naman siya at sumusunod-sunod sa akin. Hindi ko na lang pinansin at umaktong balewala lang siya at hindi ko nararamdaman. Kusa na ring nawala ang takot na dati ay nararamdaman ko para sa kanya kapag nasa ganitong naglalakad akong mag-isa sa kalye. Palipat-lipat siya ng poste at maging sa madidilim na ski