Veronica's POV HALOS lumuwa ang mga mata ko matapos marinig ang mga sinabi ni Chronos. Napansin ko naman ang pag-atras ng ilang mga kalahi niya. Nagpalitan ng tingin ang mga ito, makalipas lang ang ilang segundo ay muli silang lumundag at tumalon palabas. Naiwan kami nina Chronos kasama ang ina nito, si Mia, at ang mga alipinin ng ina nila. Nakangiting lumapit sa amin si Mia. "Astig mo talaga, big bro!" nakangiti nitong wika bago bumaling sa akin. "Welcome to the family! Kailan ka magiging aswang?" natigilan ako sa narinig. Nilingon ko si Chronos at hinintay itong sumagot. "Hindi siya magiging aswang," tipid nitong sagot bago tinaliuran si Mia at humarap sa akin. "Ano!" narinig ko pang tanong ng kapatid nito, pero itinuon ko na lang ang atensiyon ko kay Chronos. "Huwag kang matakot. H