Veronica's POV TAHIMIK kaming naglalakad ni Lea patungong eskuwelahan. Pasado alas-tres na at hindi naman kami puwedeng um-absent dahil maraming panakot ang sinabi sa amin ng aming mga guro para lang pumasok. Nang makarating sa paaralan ay agad naming nakita sina Rosa at ang iba sa loob ng kainan. Mabilis namin silang nilapitan. Nang makalapit sa kanila ay tahimik kaming umupo sa bakanteng silya. Nang iginala ko ang aking tingin sa paligid ay napansin kong wala si Sam. "Kumusta ka, Nic?" nag-angat ako ng mukha at nakita ang nakangiting mukha ni Angel. May pagkabahala sa mukha nito kaya agad ko siyang sinuklian ng ngiti bilang tugon. Nag-umpisang mag-usap ang barkada at nalaman kong si Rosa at ang ilan pang mga pinsan nito ay matutulog sa bahay ng magulang ni Anzo mamayang gabi para t