Chapter Sixteen

2426 Words

Veronica's POV HAPON na at mag-isa akong naglalakad pabalik sa boarding house habang nakatulala at halos wala sa sarili. Ayaw mawala sa isipan ko ang sinabi ng matandang albularyo kanina. Kung ganoon nga, hindi sakit ang ikinamatay ni Anzo at hindi katawan nito ang pinaglalamayan ngayon kundi isa na lamang punong-kahoy. Humigpit ang pagkakahawak ko sa bagay na nasa aking kamay. Itinaas ko ito at matamang tinitigan. Lagi mong dadalhin iyan kahit saan ka magpunta. Malalaman mo kung may aswang sa iyong paligid kung kukulo ang langis sa loob niyan, malalaman din ng aswang kung may dala ka niyan kaya mag-iingat ka. Pero huwag kang mag-alala, maiirita sila kapag may ganiyan sa paligid nila kaya hindi ka nila malalapitan. Muling nagbalik sa akin ang eksaktong mga salitang sinabi ng matandang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD