Veronica's POV MATAPOS magpasalamat sa hukom, magkahawak-kamay kaming lumabas ng opisina at dumiretso sa baba kung saan naghihintay ang aming pamilya. "Dadalo pa ba tayo sa reception?" Kumunot ang noo ko nang marinig ang tanong ni Chronos. Nilingon ko ito at mataman na tinitigan. "Ano'ng ibig mong sabihin?" nagtataka kong tanong sa kaniya. Ngumiti siya bago lumingon sa akin. Kinuha nito ang dalawa kong kamay at mahigpit iyong hinawakan. "Ayaw mo bang dumiretso tayo sa honeymoon?" mahina niyang tanong ngunit halos bumingi iyon sa aking pandinig. Napalunok ako habang nag-iiwas ng tingin. Pakiramdam ko, pinamumulahan ako ng mukha dahil sa init ng mga pisngi ko. "Talanding aswang," bulong ko na ikinatawa niya. Tuluyan kaming nakababa at nakita sina Uncle Markus kasama ang iba pa. Nang