Veronica's POV NAMIMILOG ang mga matang tinitigan ko si Chronos. "Talandi," bulong ko bago nag-iwas ng tingin. "Ano?" lumapit sa akin si Chronos na para bang gustong-gusto nito marinig ang sinabi ko. "Wala," umiiwas kong sabi. "Veronica, mayroon kang sinabi. Ano iyon?" pangungulit nito. Pilit ako nitong hinaharap sa kaniya pero patuloy akong umiiwas. Saan na lang ako pupulutin kapag nalaman nitong sinabihan ko siyang malandi? Baka sa ilalim ng lupa. Lumipas pa ang ilang minuto, hininto na ng Emcee ang slow dance at bumalik na sa kani-kanilang mesa ang mga magkapareha. I-a-annouce nito ang mananalong kapareha na isa-isang kinunan ng litrato kanina. Sa loob ng sampung couple na nabunot, isang kapareha lamang ang mag-uuwi ng dalawang bagong polaroid instant print camera. Nagkakahalagan