UNTI-UNTING humulma sa kanang kamay ni Venus ang isang bola ng tubig. Lumaki iyon nang lumaki at kasalukuyan na siyang tumatakbo papunta sa direksyon ng kalabang si Darkrai. Nagliliwanag ang kanyang aura na kulay asul. Pagkatapos nga noon ay buong-lakas niyang ibinato ang bola ng tubig sa direksyon ng kalaban. Bumulusok patungo kay Darkrai ang atake ng prinsesa. Humulma rin iyon na tulad ng isang pating. Sa itsura pa lamang ay tila makakagawa na ng matinding pinsala ang atakeng iyon ng Maharlika ng Tubig. "Hindi pa riyan natatapos ang atake ko!" sambit ng prinsesa at pagkatapos ay bumato pa ito ng napakaraming bola ng tubig. Lahat iyon ay humulmang tulad ng isang pating at lahat din iyon ay patungo sa direksyon ni Darkrai. Pero ngumisi lamang si Darkrai nang makita ang napakaraming tubi

