PAGTAPAK pa lamang ni Venus sa battle arena ay tila may kung anong pwersa kaagad siyang naramdaman. Tila gusto siyang durugin ng nararamdaman niyang iyon at parang pinapahina rin siya noon. Dahilan tuloy ito upang mapatingin siya sa kanyang makakalaban. Mabuti niya iyong pinagmasdan at hindi niya makita ang aura nito. Ngunit magkaganoon man, ay batid pa rin niyang hindi basta-bastang nilalang ang Darkrai na ito. Kumawala ang may medyo kalakasang hangin mula sa kinatatayuan ng prinsesa. Nagliwanag ang aura nito at biglang nagsilabasan ang napakaraming butil ng tubig. Pinaikutan noon ang kanyang katawan. Kumislap din ang mga mata ng prinsesa at lalong kumawala ang isang napakalakas na aura mula sa kanya. Tila wala namang bakas ng pagkabahala si Darkrai sa kabila noon. Seryoso na nitong hin

