NICA POV. MASAKIT ang aking likod sa katatapos kong painting. Halos buong gabi ko itong pinagpuyatan upang maihabol sa gaganaping exhibit dito mismo sa bansang Pilipinas. Tatlo ang nakahanda at kasama na doon ang sarili kong painting. Sana lang ay manalo din iyon kagaya ng kay Raven. At kapag nangyari iyon ay magkasama niyang dadalhin sa mansion ng mga magulang ang painting nilang dalawa. Ilalagay sa wall ng sariling kwarto upang kahit doon man lang ay magkasama kaming dalawa. Naipilig ko ang aking ulo sapagkat nagsisimula na namang maging alipin ako ng mga alaala naming dalawa. At hindi ko mapigilan ang mapaluha. Sa tuwing na-imagine ko ang mukha nito noong huling pagkikita nila. Ang sakit na nasa mukha ni Raven habang paalis ito. Hindi rin naman nakaligtas sa mga mata ko na umiiyak ito