Sa sobrang pagod ko siguro ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako sa sasakyan at kung hindi lang ako ginising ng driver ni dad ay hindi ko pa malalaman na kanina pa pala kami nandito sa kompanya. Halos wala na kasi akong nagiging pahinga nitong mga nagdaan na araw dahil sa pag-aasikaso ko sa problema sa kompanya pero kahit ganon ay mas mainam na rin ung ganito dahil hindi namin napag-uusapan ang kasal namin ni Jaxon. Isang buwan na lang ang oras na natitira sa akin para mapigilan ang kasal pero hindi pa rin ako makagawa ng paraan kung paano ko makakausap sina nanay Lourdes. Hindi ko alam kung iniwan na ba talaga ako sa ere ni Alton at pinabayaan na n’ya ako. Hindi ko na sila makausap nina Luis at hindi ko alam kung ano ang ginawa ni dad sa kanila. Ayokong maniwala kay ate na wal