PAGKABABA ko ng telepono ay lumakad na ako para makisali sa pila ng mga estudyanteng nag-a-abang ng taxi sa labas ng Unibersidad. Kasalukuyang madaming nag-aabang dahil oras talaga ng labasan. Ang totoo ay araw-araw akong nagpapasalamat dahil hindi ko dinadanas ang hirap nila at halos pakikipag-habulan sa mga sasakyan, para lamang makakuha ng taxi na maghahatid sa kanila pauwi ng bahay. Palagi kasi akong may hatid at sundo simula nang mag-aral ako rito. Pero ngayon ay heto't nag-aabang na rin ako. Pero mukhang malas yata ako. Sa dinami-dami ng nagdadaang taxi ay wala ni isang gustong magsakay sa akin. Hindi ko alam kung dahil mabagal akong kumilos kaya nauunahan ako ng ibang estudyante.o dahil malamya ako sa pagpara. Ilang bagong dating nga lang sa umpukan ng mga nag-aabang ang nakasakay n

