"I LOVE YOU," sa inaantok kong diwa ay narinig kong sabi niya habang hinahaplos ang buhok ko. Hindi na ako nakasagot dahil tuluyan na akong iginupo ng antok. Nakatulog akong nakaunan sa matipuno niyang dibdib. KINABUKASAN ay mag-isa na lang ako sa kwarto nang magising. Wala rin akong naririnig na bakas na may mga tao sa sala kaya naman ipinasya kong sumilip sa bintana para tumingin sa labas. At naroon nga ang lahat sa ilalim ng puno ng mangga. Si Papa ay mukhang gumagawa na naman ng panibagong kulungan ng manok samantalang si Reagan ay nagsisibak ng kahoy gamit ang palakol ni Papa. Hubad ang itaas na bahagi ng katawan nito pero nananatiling nakasuot ito ng jeans. Lihim akong napangiti dahil hindi ko akalaing marunong pala ito ng ganitong gawain. Na ang isang Reagan De Alba ay marunon