"T-THOR." HINDI KO mapigilang mapalunok habang nakikipagsukatan ng tingin sa asawa. Pero panaka-naka ang pag-ngiwi niya. Hawak pa rin ni Thor ang nasa pagitan ng hita niya at nakaluhod. Hindi ko naman kasi sinasadyang matuhod 'yon. Pero ramdam ko ang paninigas niya kanina. "M-masakit ba?" di ko mapigilang itanong. Napangiti tuloy si Thor sa akin. Idinagan niya ang sarili sa akin pero pinigilan ko ng dalawang kamay. Tumingin pa siya sa kamay ko at ngumiti bago nagsalita. "Hindi naman masyado, tweetums. Lalo mo lang kasing ginalit. Mas masakit pa nang iwan mo ako." Umangat ang kilay ko sa sinabi niya. Hugot ba 'yon? "Hindi ba dapat naging masaya ka dahil marami na kayong oras ni Xyrel sa isa't-isa? Sabi mo, mahal mo siya." Nag-iba ang reaksyon ng mukha ng dating asawa pero lumambot di