"PUMAYAG KA NAMAN? Akala ko ba ilalayo mo si Ytan sa kan'ya? Nawala lang ako, nag-iba na ang ihip ng hangin. May nangyari ba ditong hindi ko alam?" Nabitawan ko ang ballpen nang marinig ang sinabi ni Reyna. Hindi ko maiwasang mapalunok dahil meron talagang nangyari. Hinayaan ko siyang manipulahin ako. Naging marupok ako. Si Thor ang tinutukoy ko dito. Napapikit ako kapagkuwan. Napahawak ako sa batok ko nang maalala ang maiinit na tagpo namin ng dating kong asawa. Dalawang linggo na ang nakalipas pero pakiramdam ko kanina lang nangyari. Nag-angat ako ng tingin kay Reyna nang itukod niya ang mga kamay sa mesa ko. Kakarating niya lang ngayon. Extended ang business trip niya dahil sa biglaang tawag ng isang Japanese investor namin. "W-wala naman. S-si Ytan ang may kagustuhan na sumama