NAPALINGON ako nang marinig ko ang boses ng wedding coordinator. Nagmamadali na siyang lumapit sa akin na nakangiti. "Get yourself ready, Miss Yvette." Tumingin siya sa relo niya. "In two minutes, we'll start." Tumango ako sa kan'ya at inayos ang aking tayo. Inayos din niya ang mahabang suot kong bridal gown. Ilang beses ko pang pinakalma ang aking sarili. Sa totoo lang, masyado akong kinakabahan ngayon. Alam ko namang nasa loob na ang lalaking pakakasalan ko pero mabilis pa rin ang pagkabog ng aking dibdib. Paano kung magbago ang isip niya? Paano kung hindi na niya ako papakasalan? Nasa isip ko lang naman ang katanungang ito pero ang sakit na agad. Hindi kasi natin masabi, baka mamaya, nauntog siya bigla habang hinihintay ako, at sasabihing ayaw na niya sa aking magpakasal dahil may g