NAGISING AKO DAHIL sa masuyong halik. Nakangiting mukha ni Thor ang nabungaran ko. "Magandang gabi, mahal kong asawa." Bahagya lang akong ngumiti sa kan'ya. Inilinga ko ang paningin ko. "Gabi na pala. Kailangan ko ng umuwi. Baka hanapin ako ni Ytan, Thor." Naupo ako at hinawi ang kumot na nakabalot sa akin. "No. Hindi ka uuwi, tweetums." Pigil niya sa akin nang akma akong baba sa kama. “Hindi puwede, Thor. Mas kailangan ako ni Ytan. Walang siyang kasama. Nakaalis na si Reyn. Hindi—” “Don’t worry, papunta na sila Mama para samahan si Ytan.” “Ano? Inistorbo mo sila Mama para bantayan si Ytan?” “Yes. Hindi mo pa kayang maglakad dahil diyan sa ankle mong namamaga. Kung 'di ba naman matigas ang ulo mo, sana makakauwi ka ngayon. Isa pa, baha sa daraanan mo, lalong mapuwersa 'yang paa mo