"Sasama ka sa akin. And that's final," puno ng autoridad na sabi ni Xander. Ang kamay nitong nakayapos sa balakang ni Emma ay mas humigpit sa takot na baka bigla na lang itong tumakbo palayo sa kanya. "Hindi nga sabi ako sasama sa'yo. Ano pa ba ang kailangan mo sa akin, huh? Ano? May utang pa ba ako sa'yo na kailangan kong bayaran? Sige, tara. Gawin na natin ngayon para matapos na," biglang sigaw ni Emma dahilan upang mapahinto sa paglalakad si Xander. Matapang siyang hinarap ng babae. Hindi alintana ang kaba sa dibdib nito. Nakikipagtitigan siya kay Xander na ngayon ay para bang nalunok na niya ang sariling dila. "Emma, that's not what I mean. Please, I just want us to talk," mahinahon na sagot ni Xander. Mapaklang natawa si Emma kaya mariin siyang napatitig dito. Natulala at pakir