Dahil sa pananabik ni Xander sa naisip na gagawin ngayong araw ay gising na siya ng alas kwatro ng umaga. Isa pang dahilan kung bakit mas maaga siyang bumangon ngayon ay ayaw na niyang maabutan pa siya ni Krista. Kahit ngayon lang ay gusto niyang magkaroon ng tahimik at payapang araw. Pangit man pakinggan o isipin pero talagang puno na siya ng pagtitimpi sa buhay na mayro'n siya kasama ng mag-ina. Bumangon siya at agad na naglakad patungo sa banyo kahit na walang saplot ang katawan niya. Naka-lock naman ang pinto ng kanyang kwarto kaya wala siyang problema dahil ligtas siya mula sa kamandag ng asawa na ayaw na rin niyang matikman o maranasan pang muli. Talagang nagising na siya sa kabaliwan nito. Magmula nang mawala sa buhay niya si Emma ay natauhan na siya. Maging ang sandata niya a