Maagang nagising ang diwa ni Emma dahil sa tawag ng kalikasan. Pagmulat niya ng kanyang mga mata ay matiponong likuran ang agad na sumalubong sa kanya. Wala sa sariling napangiti niya nang mapagtantong likuran iyon ni Xander. Patagilid itong nakahiga habang nakaharap sa kanilang kambal. Maingat na umupo si Emma sa kama para mapagmasdan ng maayos ang tatlong tao na mahalaga sa buhay niya. Habang nakatitig sa likuran ni Xander ay bigla na lang dumapo ang palad ni Emma sa tapat ng dibdib nito nang malakas iyon tumibok. Alam ni Emma na walang nagbago sa nararamdaman niya para kay Xander sa kabila ng lahat ng nangyari kaya kahit papaanonay may pangamba pa rin sa puso niya. Natatakot na siyang sumugal ulit pero gusto niyang maging malakas para sa kapakanan ng kambal. Minsan na niyang ipi