"Oh. Hey, Xyril," may pag-alinlangan sa tinig ni Xander nang batiin niya ang batang nasa labas ng pintuan ng banyo. Pagbukas pa lang nito sa pintuan ay ang nakapamaywang na batang babae ang bumungad sa kanya. "What are you doing inside the bathroom? And where is Nanay?" Istriktong tanong nito. Tila ba ilang taon na ang edad nito kung makapagtanong. Napakamot na lang ng batok si Xander at alanganin na ngumiti sa bata nang bahagya itong sumilip sa kanyang likuran. Hindi talaga niya mapigilan ang humanga dito. Kung kumilos at magsalita ang mga anak ni Emma ay para bang nasa tamang gulang na ang mga ito. "Nanay is inside. I just came here to offer a help," alanganin na sagot ni Xander at pilit na ngumiti sa bata. Bahagyang tumaas ang kilay ni Xyril at bakas sa ekspresyon nito na hindi si