"Nanay, can we take Mr. Stranger in our room and play with him?" Biglang tanong ni Xyril na lubhang ikinagulat ni Emma. Hindi niya namalayan na kanina pa pala siyang tulala habang nakatitig sa tatlong nagtatawanan. Kusa na lang tumigil sa pagpatak ang kanyang mga luha sa dami ng kanyang naiisip. At aminado si Emma na natatakot siyang humarap kay Xander pag nakawala na ito sa kakulitan ng kambal niyang anak. Hindi niya alam kung paano haharapin ang lalaki kapag silang dalawa lamang. Natatakot siya sa pwede nitong sabihin. Ramdam niya ang talim ng titig na ibinibigay sa kanya nito sa tuwing sumusulyap sa kanya si Xander kaya sigurado siyang galit ito sa kanya. Pero agad din naman nabubura ang talim ng titig nito sa tuwing ang kambal ang kaharap niya. "Please, Nanay. Please...can we