Azariah's POV Today is my daughter's 4th birthday. She was so excited. Hindi siya mapakali sa kakaikot sa buong mansion ni Lolo. Malaki ang mansion na ito ng Lolo kaya't dito ko ninais na ganapin ang birthday ni Zelle. Iyon din ang utos ni Lolo sakin kaysa kumuha nga naman ng ibang venue, dagdag gastos pa. Ang buong pamilya ni Lolo ay tinanggap naman ako pero naroon pa rin ang pagka-disgusto sakin ng ilan. Anak lang sa labas si mommy kaya't hindi ko sila masisi kung ganoon man ang reaction ng iba sa kanila sa akin. Ang ngayong presidente ng bansa na si Tito Arthur ay tinanggap naman ako kahit nagkaroon ng hindi pagkaka-unawaan sa pagitan namin ng kanyang anak na si Angel. Humingi din siya ng tawad sa ginawa ng anak niya sakin pero ang asawa niyang si Tita Carmen ay malalim ang galit sak