“SOLDE, anak!” Naputol ang sinasabi ko kay Solde nang may tumawag sa kaniya galing sa living room. Sabay naming nilingon ang bagong dating. It’s her mom. Nakabadya sa mukha ni Tita Menchu ang pag-aalala pero, nang makita niya ako doon sa dining room ng anak niya ay nagulat siya. “A-Alistaire…” Napatingin siya kay Solde, hawak-hawak ang dibdib. “Nay!” sambit ni Solde sabay lapit kay Tita Menchu. Balot ng pagtataka ang mukha nito habang nakatingin pa rin sa akin. “Nay, may problema ba? Bakit napasugod ka?” tanong ni Solde na kumuha ng pansin ng nanay niya. “Hindi ako mapakali sa bahay ko, Anak. Dapat pala kagabi pa ay sumama na ako sa’yo pauwi rito.” Ngumiti si Solde. “Nasa labas ang mga apo n’yo, nakita n’yo ba sila?” Tumango si Tita Menchu. “Oo, naglalaro sila sa labas.” Pagkasab