KABANATA 42

2372 Words

INABUTAN ako ni Jowell ng isang baso ng juice bago siya naupo sa katapat kong silya. Nasa kusina kami habang nilalaro ng mga tagapag-alaga nila sa kwarto ng mga ito ang kambal. “See? Tama ako, di ba? Paano na lang kung hindi ako ang kapatid mo, baby girl? May iba bang makakaisip na ipahanap ang nanay mo para magkita na kayo?” Inismiran ko siya. Kahit kailan talaga, lagi niyang pinupuri ang sarili niya. “Oo na. Ikaw na ang magaling.” Tumawa siya. “Anong pinag-usapan n’yo? Binanggit mo ba sa kaniya ang tungkol sa mga pamangkin ko?” Umiling ako. “Saka na siguro. Magkikita pa naman ulit kami.” “Kung iniuwi ko sana nang mas maaga ang dalawa ay naabutan sana nila ang Lola nila.” “Mabuti na rin na wala kayo. Kakikita pa lang namin ni Nanay tapos malalaman niyang may mga apo na pala siya s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD